Chapter Two: The Singing Angel

22 5 26
                                    

Aria's POV

Monday night

Pagulong-gulong ako ngayon sa kama ko. Oh my very G, ang daming nangyari ngayong araw.

First of all, I met a friend, si Kai. He's handsome. Sobrang simpleng tao lang niya, naka-clean cut, normal t-shirt, and pants. And his speech defect doesn't affect his appeal. I can't believe na I met that kind of guy, ang gaan ng loob ko sa kanya. Is there any chance na anak ko s'ya? Char!

Second, yung inggratang babae na nakasalubong ko sa CR kanina. Bwisit na babae yun, mukha naman siyang alipunga.

"Talaga? Ano naman? Eh ang pangit pangit mo nga! Try wearing make-ups para gumanda ka kahit onti lang. Oops, you can't afford make-ups nga pala, HAHAHA such a poor girl."

"Ano naman kung hindi ko afford yung pipichuging make-up mo? Bakit hindi mo subukang kainin yang make-up mo para gumanda naman ng kahit onti yang budhi mo. Line yan sa Kadenang Ginto, nanonood kayo nun?" I said while flipping my hair. Oh panis.

"Ew, netflix ang gamit namin," pagtataray niya.

"Ay netflix? Taray, nakikihiram ka lang naman ng account. Bwisit na 'to gahaman, suntukin kita eh."

"So are you saying na pangit ang ugali ko?" Pagtataray nung isa pang babaitang kasama n'ya.

"Ikaw ang nagsabi niyan. Bakit, inaamin mo bang sobrang pangit niyang ugali mo? Kahit lamunin mo pa ang sangkatutak mong beauty products ang pangit pa rin ng budhi mo- ANO BA?! Aray, bitawan niyo ako! Tama na!" Pinagsasampal nila ako at naramdaman kong may sumasabunot din sa'kin.

"Tama na!" Naaninag kong may lalaking tumatakbo papalapit sa'min.

Si Clarke.

"Itigil niyo yan ano ba!" nakita ko kung paano niya sinuntok ang pinto ng isang cubicle ng pagkalakas-lakas kaya't natigilan kaming lahat.

"Ano bang nangyayari dito? Unang araw ng klase nakikipag-away ka na naman Kassandra! Sinama mo pa sila Chloe at Marie!"

"Miss, sorry ha? Wala lang talagang magawa 'tong babaeng 'to kaya nang-aaway. Uhm, Clarke nga pala," sabay tapat ng kamay niya sa'kin.

Hinawakan ko din ang kamay niya para makipag-kamay, "Aria," I smiled.

"Umalis na tayo dito Kassandra!"

Nakakakulo talaga ng dugo yung nangyari kanina. Taray niya, mukha naman siyang ingrown.

And last,

NAKIPAG-SHAKE HANDS SA'KIN SI CLARKE! AAH KILIG!

Nagtalukbong ako ng unan sa mukha at saka nagsisigaw, "Aaaah kyaaah!"

Nakangiti kong inayos ang kama ko para matulog, hanggang ngayon kinikilig pa rin ako!

---

Wednesday morning, 7:27am

Kai's POV

"Nak, kumusta naman ang first day of school mo?" tanong sa'kin ni mama habang sumusubo ng pandesal na kan'yang isinawsaw sa kape.

"Uhm, okay lang n-naman p-po-"

Hinawakan niya ang kamay ko, "Anak, tatlong salita lang. Always remember what your therapist said, okay?" she smiled.

I smiled back, "Okay po," ani ko at nagpatuloy na kumain.

"Did you make friends out there?"

"O-opo. Si Aria-"

"Ooh, so she's a girl? Crush mo?" panunukso ni mama sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Three Word RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon