CHAPTER 4

11 4 0
                                    

Nasa barko kami ngayon at tinatanaw ang mga magagandang tanawin dito sa Puka Shell Beach,

"Ayy!" tili ko ng matalsikan ako ng tubig galing dagat,

nagulat ako ng biglang punasan ni basti ng tiwalya ang braso kong natalsikan sabay tumawa,

"ano bang nakakatawa?" pagtataray ko nanaman sa kaniya

"ikaw nakakatawa yang muka mo," panunukso n'ya at tumawa

"tse!" inirapan ko s'ya

"ayiee ayan nanaman sila," panunukso ni Kyla at Julia samin

"manahimik na nga kauo hindi kayo nakakatuwa!" pasigaw kong sabi sa kanila

tumawa lang sila habang nakarating na kami sa aming paroroonan,

"mommy pwede po na po ba kameng mag swim nila Kyla sa beach?" tanong ko habang nakangiti sa kan'ya

"antayin mo si Basti at sasamahan ka n'ya baka malunod ka nanaman"

"ha?? bakit po kailangan kasama si Basti eh kaya naman po namin nila Kyla yun"

"hay nako anak,wag ka ng makulit kaya ka napapahamak eh"

"hi tita Mia!" bati ni basti kay mom

"Mika tara na!" yaya n'ya sakin

"ayoko nga!" pagtataray ko sa kan'ya

"bakit ba ang kulit kulit mo?" naka kunot ang noo n'ya habang nagtatanong

"eh ano naman kung makulit ako? eh ayaw ko nga ikaw kasama eh!" inirapan ko siya at akmang aalis ako biglang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta kila Kyla at Julia

"tita Mia! ako na po bahala dito sa anak nyong madita!" sigaw n'ya umirap ako habang nagpapakaladkad sa kaniya,

"Ayiee! bakit magkahawak kamay kayo??" tanong samin ni Kyla

"di kami magkahawak ng kamay! hinihila n'ya 'ko!" pag ta taray ko na ikinatawa nilang tatlo

di ko rin alam bakit nila ko tintawanan kahit wala naman talagang nakakatawa

tumakbo ako papuntang dagat kung saan naroon sila Julia,

"ah!! ano ba!" sigaw ko ng basain ako ng tubig ni basti

"ah ganun pala ha!" sabi ko sa tonong nag hahamon

lumapit ako sa kan'ya at hinampas ang tubig na tumama naman sa muka n'ya,

hinampas n'ya rin iyon bilang pag ganti, nag babasaan kami ng tubig ng biglang nagsalita si Julia

"oyyy ang sweet nila!" pagtutukso ni Julia

"oo nga ang sweet ayiee!" sabi naman ni kyla

"tumi- mommy!!" di na nagpatuloy ang pag sasalita ko at sumisigaw dahil hinila ni Basti ang paa ko para lumubog ako sa tubig,

"di ko kayo bati!" sabi nang makaahon ako ay umupo ako sa isang tabi at halos mamuti ang mata ko kakairap sa kanila,

pinapanood ko ang mga alon ng naramdaman kong may tumabi sa akin,

"Mika sorry na, peace na tayo," sambit ni Basti habang naka peace sign ang mga kamay

"oo na bati na!" pag tataray ko ulit

Lumipas ang mga araw at napalapit na ang loob ko kay Basti

"Mika!" tawag n'ya sa'kin

"uhmm baket?" pag tatanong ko

"ahh kase ano," sabi n'ya ng nahihiya

"ahhmm.... kase uuwi na kami sa manila mamaya," bigla akong nagulat sa nalaman ko

"U- uuwi na kayo?" nauutal kong tanong sa kan'ya

"oo Mika babalik kame dio sa susunod na summer sana mag kita pa tayo" nalulungkot niyang sabi,

"teka lang ah" sabi n'ya at may kinukuha sa bulsa n'ya,

nagulat ako kwintas na galing sa bulsa n'ya at isinuot n'ya iyon sa'kin,

"ayan para kahit di na tayo magkita,atleast maaalala mo 'ko" sabi n'ya na parang naiiyak na,

"Maia Anika Lopez" inilahad ko ang kamay ko sa kaniya na ikina ngiti naman n'ya,

nakipag kamay s'ya sa'kin,

"Basti tara na!" rinig kong sigaw ni tita Celia

"sige na Mika aalis na kami,hanggang sa muli nating pagkikita" niyakap n'ya ako bago naglakad papalayo at kumaway

AN: ang sad naman ng pangyayare tingin nyo ba magkikita ulit sila? O magiging ala ala nalang lahat?

A Love From Escapade Season (Adventure Series #1)Where stories live. Discover now