CHAPTER 1

46 11 4
                                    

SUMMER 2006

Nasa bakasyon kame ngayon dito sa boracay kasama ang aking pamilya pati na ang pamilya nina Julia at Kyla,

ang magulang nila ay kaibigan ng mga magulang ko kaya nasa iisang bakasyon lang kami ngayon

"mommy mag p play lang po kame nila julia at kyla near at the pool" maarteng paalam ko kila mommy

"sige anak basta mag ingat ha?" paalala sa'kin ni mommy

"yes po mommy!" masiglang sagot ko at tumakbo papunta kila Julia at Kyla,

masaya kaming naglalaro ng buhangin ng may napansin si Kyla

"Mika look oh may boy na nakatingin sayo siguro crush ka niya" ani ni Kyla

"oo nga Mika ung boy na yun oh!" turo naman ni julia sa likuran ko,

lumingon naman ako sa kinaroroonan ng lalaki,

agad akong umiwas ng tingin at lumingon ulit kila julia ng makitang papalapit ang lalaking tinuturo nila na may hawak na kotseng laruan

"hi girls!"

"ay kabayo ka!" gulat kong sambit habang sila Kyla at Julia ay patuloy na tumatawa

"anong nakakatawa dun?!" pikon kong sabi at inirapan sila, lumingon naman ako sa gawing likod ko kung saan naroon ang lalaki

"hi i'm David Sebastian Alvarez just call me Basti na lang" inilahad niya ang kanyang kamay,

ngunit tinapik ko iyon at inirapan siya,

naglalakad ako papalayo sa kanila ng biglang "AHH!" tili ko bago ako mahulog sa pinaka malalim na bahagi ng pool

Nakikipag kamay ako sa dalawang babae na Julia at Kyla ang pangalan ng may narinig kaming tumili,

at nakita namin na yung kasama nilang maarteng mataray ay nahulog sa pool,

biglang nagtakbuhan papalayo sila julia at kyla

"tito Anthony!! tita Mia!! Si mika nalulunod" rinig kong sigaw nila Julia at Kyla

dahil sa taranta ko ay tumalon na rin ako para sagipin yung babaeng tinarayan ako kanina,

buti na lang at marunong akong lumangoy dahil may swimming lesson kame sa aming school tuwing friday,

dali dali kong ini angat ang babaeng Mika ang pangalan,

pag angat ko sa kaniya ay saktong may dumating na matatanda na parang magulang niya,

"mika baby are you ok?" tanong sa kaniya ng lalaking parang kasing edad lang ng daddy ko

"opo dad" sabi naman ni mika habang umuubo ubo pa

"Kulia! Kyla! anong nangyare??" tanong naman ng babaeng katabi ng lalaki na sa pagkaka alam ko ay kan'yang mommy

"hindi ko rin po alam tita Mia eh bigla na lang po namin siyang narinig tumili eh" sambit ni julia

"opo tita bigla na lang po namin siya narinig tumili" sabi naman ni Kyla

nalingat ang tingin ng babae papunta saken at nagulat ng makita akong basang basa

"nako iho maraming salamat sa pag ligtas sa anak namin ha?"

"walang anuman po yun" sabi ko

"ano nga pala ang pangalan mo at ano pala ang ginagawa mo rito?"

"David Sebastian po ang pangalan ko, balak ko pong makipag kaibigan sa kanila tapos po tinarayan po ako ng anak nyo"

"hay nako ka talaga Mika! oh s'ya nasaan nga pala ang mga magulang mo?"

"andun po" turo ko sa may malayo

"halika na at ibabalik kita sa mga magulang mo baka mamaya ikaw naman ang madisgrasya dito"

AN: kaibigan nga lang ba talaga ang gusto basti? Nako nako nako

A Love From Escapade Season (Adventure Series #1)Where stories live. Discover now