PROLOGUE

117 40 19
                                    

"Shat!" malakas na sigaw ni Yvo habang pikit matang sumasayaw sa ibabaw ng lamesang pinag iinuman namin, may hawak itong maliit na shot glass na may lamang whiskey na halos isang oras na yata niyang inorder.

Napangiwi nalang ako bago ininom yung pang apat na bote ng beer. Agad kong sinandal yung ulo ko sa couch nang makaramdam ng kaunting hilo.

" Ano? susuka ka ba?" Pangasar na tanong ni Yvo bago umupo sa tabi ko. He crossed his legs at pinatong yung shot glass na mula kanina hindi man lang na bawasan.

"Tss" pilit akong bumangon at pinakita sa kanya kung paano ko laklakin yung inuming pinatong niya kanina sa lamesa. I bowed my head and binuhos yung shot glass sa ulo ko to show him that i drank the liquor in one shot leaving no trace behind. Shuta! Ang init sa lalamunan. Parang deretso kong nilunok yung nagbabagang uling mula sa kalan e.

"I never really thought na ma wi-witness kong mag shat puno si Ceilestina Louise. I feel so honored ha" pinag dikit nito ang dalawang kamay na para bang naka receive siya ng blessing mula kay Lord.

" Arte! tsaka wag mo nga ko tawagin sa real name ko, Lou nga kasi!" Inis na sigaw ko dito at kumportableng hiniga yung ulo ko sa pader

"Bakit si Enzo lang ba pwedeng tumawag sayo no'n?" Hearing his name again has brought me into tears. Pilit ko pa ring pinigilan yung luha at sipon ko thinking na Yvo will only make fun of me.

"Huwag mo ngang mene-mention ang pangalan ng putanginang 'yan. Nakakasuka siya" Isang linggo na mula nong makipag hiwalay ako sa kanya. Hindi na kasi nag tutugma yung schedule namin at madalas na rin kaming nagkakalabuan.

After break up, things were good between the both of us. May closure kami, napag usapan naman namin ng maayos bago namin tapusin and we even kept in touch with each other pero as friends nalang. At first i was thankful thinking that i had a healthy relationship with Enzo, he was a 10. Matalino, mayaman, gwapo, actually he was the youngest doctor sa hospital na pinagta-trabahuan ko. As a boyfriend napaka understanding and caring nito, siya 'yung tipo na hindi ka hahayaang mag isip ng kung ano at e a-assured ka ng bongga.

Kaya siguro hindi ko naisip na mag c-cheat sakin ang hayop. Literal talaga na he'll treat you nice para 'di ka mag duda sa kababuyang ginagawa niya. He announced his marriage earlier at the hospital for the reason na nabuntis niya 'yung ex niyang hindi na daw niya babalikan. She's 3 months pregnant tapos last week lang kami nag hiwalay.

"Ayos lang 'yan Lou, kakarmahin din ang gagong 'yon. Pag pray mo nalang na maging bakla 'yung anak niya" pabirong saad ni Yvo as he tapped my shoulders to alleviate my mood.

"Gaga! hindi naman homophobic 'yon e. Malamang matatanggap niya 'yon, tinanggap ka nga e" I jokingly replied. He shrugged his shoulder na para bang nagmamayabang ito.

"Kung sana ako nalang 'yung binuntis niya" iling na saad ng bakla bago nilabas 'yung phone niya. Taas ng pangarap akala mo may matress e

"Tawagan mo na nga si Aki gusto ko ng umuwi" inirapan lang ako nito bago lumabas sa bar.

Napansin kong may tira pa do'n sa beer na iniinom ko kanina kaya kinuha ko 'yung bote kahit alam kong medyo tipsy na ko "sayang ka" pagka usap ko dito before ito ubosin. It felt like some of the liquors are going back from my throat to my mouth but pakiramdam ko is i have this responsibility to get wasted and 'wag mag sayang ng inumin.

Maraming gustong magsaya and mag enojoy sa mundo pero 'di nila magawa so why would i waste this oppurtunity? besides ang mahal kaya nito, kalahati ata sa sweldo ko ng isang buwan 'yung binayad ko dito e. At uuwi na rin lang din kami kaya go! sulitin ko na.

Minutes later, dinala ako ng mga paa ko sa labas ng bar ng maramdaman kong may gustong kumawala sa bunganga ko. I cover my mouth as i rushed my way out when i bumped into something, tingin ko ay pader siguro 'to matigas e. Hindi ko na talaga napigilan 'yung sarili ko at tuluyan ng nilabas lahat ng ininom ko kanina. Bahala na kung magalit sila dahil sumuka ako sa hallway ng bar basta kailangan kong ilabas 'to.

The Fault in Our StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon