08

10 2 0
                                    

"AGÀPI, sigurado ka ba na sasama ka sa Shui na 'yon bukas?" takang tanong ni Judas habang naka-upo sa maliit na  couch ng kwarto ko

"Oo naman" tipid na sagot ko habang pinagma-masdan yung sarili sa salamin

"I can ask Logan to buy you some dresses, 'di mo naman kailangang sumama sa kanya bukas para bumili pa ng damit eh" he pouted bago humiga sa sofa and sinandal yung ulo niya sa arm rest nito

Sinalubong ko ng masamang tingin ang mga mata niya sa reflection ng salamin na ka-harap ko ngayon bago nag lagay ng aloe vera gel sa magkabilang pisnge ko

"Kung gusto mo sumama ka nalang" biro ko rito. Aware naman kasi ako na hindi siya maka-ka labas ng hospital sa umaga dahil mahu-huli talaga siya

"Bring Logan with you" aniya at mabilis na tumayo. Inayos pa niya yung pagka-ka suot ng hoodie niya bago tuluyang sinara ang zipper nito

"Ano? Ayoko nga. Kasama naman namin si Ruth eh" inis akong lumingon sa kanya pero naka-labas na siya sa sliding window

"Akriel" tawag ko sa pangalan nito para sana pabalikin siya pero mabilis niya'ng sinarado yung bintana ng kwarto ko sabay kindat

Napa-hinga nalang ako ng malalim para ikalma yung sarili ko. Sigurado akong babalik na siya sa hospital ngayon kaya 'di ko na siya mapi-pilit na bawiin yung sinabi niya









MATAAS ang sikat ng araw at naka-tayo kami ngayon ni Harvey sa tapat ng mall habang inaantay si Ruth na dumating. Ramdam ko na yung ilang butil ng pawis sa nuo at leeg ko dahil sa sobrang init

Napa-tingin ako kay Harvey ng umakbay ito sakin at pinahiran yung pawis ko gamit yung mabangong panyo niya "pasok na kaya tayo sa loob, nai-initan ka na eh"

Aniya. Ngumiti nalang ako bago inayos yung mask ko "Ayos lang, dadating din 'yon mamaya"

Ilang sandali pa ay may pumaradang kotse sa mismong harap namin. Kung hindi ako nagka-kamali kotse 'to ni Logan na siya'ng ginamit niya nong ni-hatid niya ko sa bahay last week

"Miss Calli" bati nito sakin habang naka-silip sa bintana ng kotse at bahagyang binaba yung shades na suot

Akala ko nagbi-biro lang si Judas sa sinabi niya kagabi, 'di ko ine-expect na totohanin niya pala yung kalokohang 'yon

Inantay namin si Logan nang i-park niya yung kotse sa parking lot bago kami tuluyang pumasok sa loob, siguro susunod nalang si Ruth sa'min

"Wait! Sandali!" Bosses 'yon ng gaga habang nagma-madaling tumakbo papunta samin. Habol hininga itong tumigil sa harap namin habang naka-hawak ang isa niya'ng kamay sa balikat ni Logan

"Wooh! Grabe nagka tachycardia (fast heart rate) ako nito kaka-takbo" usal niya habang naka-hawak sa tuhod yung isang kamay. Gulat namang napa-tingin si Logan sa ginawa nito

"Excuse me sino ka?" Takang tanong nito. Mabilis namang inalis ni Ruth yung kamay niya sa balikat nito at agad na lumipat sa likuran ko

"Sino ka?"Balik na tanong nito sabay duro pa. Di maka-paniwalang tumingin si Logan sa kanya. Halatang naiinis na ito dahil sa kadal-dalan ng kaibigan ko. Maka-ilang besses na ring gumalaw yung panga niya sa kaka-pigil

"Bakit kasi d'yan ka tumayo eh" panisi pa ni Ruth at tuluyan ng nag-tago sa likuran ko

"You suddenly tap my shoulder miss" seryusong saad naman ni Logan at malamig na tumingin kay Ruth

"Op, bago pa kayo mag patayan pa-kilala ko na" i interrupted at tumayo sa gitna nila

"Logan, siya si Ruth kaibigan ko. Ruth si Logan, kaibigan ni Akriel" dugtong ko pa at pinag-harap silang dalawa

The Fault in Our StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon