Assy's POVMagkasama kami ngayon ni Adam at para kaming aso't pusa na nagtatalo sa mga bagay bagay
Sanay na naman akong magtalo kami dahil ito naman talaga ang palaging nangyayari sa tuwing magkasama kami eh
Wala na kaming oras sa isa't isa at sa tuwing nagsasama kami ay wala sa akin ang atensyon niya,
Palaging nababaleng sa iba at sa tuwing kinakausap ko siya ay para siyang isang benge na walang pakialam sa kung sino mang tao sa paligid niya
Pero sa pagkaka taong ito ng aming pagtatalo ay tila nag iba ang ihip ng hangin at bigla siyang nahinto sa pagsasalita
Huminga muna ito ng malalim tyaka nag salita
"Assy alam mo, baka kailangan na talaga nating mag hiwalay, hindi na kasi nagwowork pa itong relationship natin eh" magkasalubong ang dalawa niyang kilay nang sinabi niyo ito sa akin
Wala akong masabing kahit na ano mang salita o kataga sa mga narinig ko sa kanya, pero pinipilit ko pa rin ibuka ang bibig ko
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makapagsalita pa
S-so gan'on gano'n na lang ba yun, susuko ka na agad dahil lang dito? Minahal kita Adam, binigay ko ang lahat para sayo tapos ito lang ang igaganti mo sa akin? Nanginginig ang mga labi ko nang sabihin yun
Alam mo Adam, ikaw naman ang may kasalanan eh kung bakit tayo nag aaway, dahil sa tuwing nag d-date tayo palaging naka toon sa iba ang atensyon mo,
"Yun na nga eh, it's not working anymore, i am not matured enough, we are not matured enough!" tumaas ang kanyang boses na tumingin sa akin
"Kaya nga baka kailangan lang talaga natin ng space muna sa isa't isa, i guess i am not ready for a relationship yet" dugtong pa nito sabay tayo sa kinauupuan niya
Hindi mo na ba ako mahal Adam? Diba sabi mo sa akin noong nanliligaw ka palang na hinding hindi mo ako iiwan unless ako ang unang bibitaw?
Nasaan na ang mga pangako mong iyun? Tumulo ang mga luha ko sa mata na kanina ko pa pinipigilan
"I'm very sorry Assy, pero hindi talaga eh, baka hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa.
Baka may nakalaan talagang ibang tao para sayo at alam kong hindi ako yun"Matapos niyang sabihin 'yun ay tumalikod na siya sa akin at aaksyon ng aalis pero pinigilan ko siya
Niyakap ko ang likod niya, umiyak at nagmakaawa
Adam please, gagawin ko ang lahat 'wag mo lang akong iwan, pwede bang isali mo naman ako sa mga pangarap mo kasi sinali naman kita sa akin
Nilunok ko na ang lahat ng pride na natira sa sarili ko at parang pumiyok ang boses ko nang sabihin iyun"Sorry talaga Assy, pero sa iba mo nalang ituon ang mga pangarap mo sa buhay, because i don't deserve to be part of your dream"
Pagpapatahan niya sa akin tapos humarap at hinawakan ang magkabila kong balikat at naramdaman ko nalang ang malamig niyang hininga sa nuo ko at saka umalis
Binalot ng katahimikan ang paligid, palubog na rin ang araw at nag iisa nalang ako
Ramdam ko pa rin ang pag tagaktak ng mga luha ko na parang hindi ko na kayang pigilan pa ito
Sa lahat ng naging boyfriend ko, ang first love ko at si Adam lang ang seneryoso at minahal ko ng buo
Ang taong inakala kong magiging ama ng mga anak ko ay iniwan na ako
Baka nga ito na ang naging karma ko sa mga kasalanang nagawa ko sa mga past relationships ko
Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing inaalala ang mga huling sinabi ni Adam sa akin, hanggang ngayon ay blanko pa rin sa akin ang lahat
YOU ARE READING
Back at One
RomanceAssy is a brave and independent woman, but in exchange for her courage, her heart always hurts, her boyfriend always leaves her alone, but one day she receives a job to be a nanny of a rich but crippled man, hindi siya tanggap ng lalakeng iyun dahil...