AKING AMA.

20 11 0
                                    

aking ama.

Isa, dalawa, tatlo.
Sa pag bilang ko NG huling numero.
At sabay nang pag dilat NG aking mugtong Mata.
Wala ka parin sa tabi ko.

Sa lagi lagi Kong pag bilang hanggang tatlo.
Umaasa akoy pag nabanggit Kona Ang huling numero ay babalik kana.
Walang oras na lagi ikay iniisip ko.
Ni minuto di ka malisan lisan sa aking isipan.

Humihiling ako Kay bathala.
Na sanay bumalik ka muli, saking tabi.
Akoy na ngungulila sayo.
Sinula nang iwan moko na anim na taon nang nakaraan.

Sa anim na taong Wala kana saking tabi.
Naalala kopa ang lagi mong paalala.
Lalo na kapag akoy pinag tatanggol mo sa mga nang aapi sakin.
Madami akong hiniling sayo, na ni minsan di mopa nabigay.

Minsay naisip ko.
Mahal moba ako, ama?.
At bakit ako pa, akopa Ang nawalan ng maaga.
Ako pa Ang nangungulila NG maaga sa aking ama.

Gusto Kong mabuhay ka muli at makasama.
Sabi mo noon sakin, nung ikaw na bubuhay pa.
Sabi mo ikaw Ang mag ha-hatid sakin sa altar.
Sa oras na ako naman Ang mag papamilya.

Gusto mo kayo ni mama Ang sabay na mag ha-hatid sakin.
Gusto mo ikaw ang mag bibigay sakin sa ma papangasawa ko sa takdang panahon.
Gusto mo na makilala mo ang magihing kabiak ko.
Ngunit paano na ngayun mang yayari Ang nais mo, Kung ikay na aking ama ay lumisan na.

Aking amang nakasama kolng nang siyam na taon.
Aking ama na tagapag tanggol ko.
Aking ama na Mahal ko.
Aking ama na miss na miss Kona ngayun, Sana aking ama bumalik ka.

Dahil Kailangan pa Kita.
Kailangan ka pa namin.
Alam Kong Wala Kong karapatan nung oras na giniling ko na Amin ka Muna.
Na kami Muna Ang pamilya mo.

Masama bang humiling.
Humiling na kahit isang buwan Lang.
Na mapasamin ka Muna manirahan.
Na kahit sa isang buwan Lang iwan mo Muna Ang una mong pamilya.

Nung oras na Yun na hiniling ko.
Dun kanaman nawala, dun ka naman nang iwan.
Iniwan mokong nag iisa, na Bata pa.
Iniwan moko sa oras na hiniling ko na may ama sa tabi ko.

Kaya Sana aking ama.
Sana kahit nayun Lang, gawin mo Ang hiling ko.
Sana bumalik ka muli, na mabuhay ka muli para sakin.
Mahalikan, mayakap ka muli.

At masabihan NG Mahal Kita ama kahit sa huling sandali.
At makasama ka sa oras na nawala nung nabubuhay kapa.
Na gawin natin Ang di natin nagawa noon.
Mahal kita, Yun Lang Ang nais Kong huling sabihin.

Paalam.

oneshots compilationWhere stories live. Discover now