Chapter 02

45 5 2
                                    

Chapter 02


"Ops, I'm sorry" Aniya nya sabay pulot ng mga papel na nag kalat at inabot saken

"It's ok" Sagot ko at kinuha ang mga papel sa kamay nya

"No, I think those are important papers. I'm really really sorry"

"Yes it is" May tono ng pag kairita, kailangan ko na 'to matapos para makauwi ng maaga

"Yeah, I'm sorry" Pag hingi nya uli ng tawad


Nag simula na ako mag lakad palayo ng bigla syang mag salita muli


"Would you mind if I ask your name? By the way I'm Dale" Nakangiti nyang sabi

Ano ba gusto nito? May kailangan pa akong tapusin... Muli akong humarap sa kanya.

"What department are you?"

"Uh.. I- I'm not working here" He scratched his nose.


Mukha naman. Mukhang anak mayaman.

Nag simula na akong mag lakad palayo, wala akong oras makipag usap andami ko pa kailangang tapusin.

Matapos kong i-print at photocopy lahat ng kailangan bumalik na ako sa mesa ko at nag ayos na ng gamit para makauwi na.

Nag lalakad na ako sa lobby ng makita ko si Lara sa isa sa mga sofa. Ano nanaman kayang problema nito?


"Aubrille! Hi" Habang winawagayway nya ang kanyang kamay

"Hey, why are you here?" Panimula ko

"Ayan talaga pambungad mo saken?"

"Eh, ano pa ba? Bakit ka nga nan dito? Wala ka nanaman bang magawa? Wala ka bang trabaho?" Sunod sunod kong tanong

"Andami mo naman tanong. Nan dito ako dahil mag sa-shopping tayo--"

"Wala akong panahon para jan, Lara" Pag putol ko sa kanya

"It's for you Aubrille. C'mon, loosen up puro ka nalang trabaho simula nung natanggap ka"

"Alam mo naman kung bakit di'ba?"

"I know, but it's my treat. Hahanap tayo ng susuotin mo para bukas" Naka ngiti nyang sabi

"Ha? Bukas?" Nagtataka kong tanong, tinignan ko ang aking cellphone para tignan kung anong araw na ngayon and it's thursday, bukas na nga pala yung sinasabi nyang party.

"Oh tignan mo di mo na rin alam kung anong araw na ngayon. Nag text ako sayo ha, di mo ba nabasa?"

"Nabasa ko pero wala kang sinabi na may mangyayaring ganto"

"Surprise!" Malakas nyang sabi kasabay ng pag taas nya ng kamay

Yumuko ako at hinilot ang aking sentido. Baliw talaga 'tong babaeng 'to.

"Tara na, bago ako mawalan ng trabaho dahil sayo"

"Mawalan agad?" She laughed then stood up para sundan ako sa paglalakad


Sumakay kami sa kotse nya at nag tungo sa pinaka malapit na mall.


"Eto, bri oh ang ganda" Sabay abot saken ng magandang champagne dress. Tinignan ko muna ang price tag, masyadong mahal isang gabi ko lang naman gagamitin. Ibinalik ko sa kanya yung dress.

"Ayoko masyadong mahal"

"Dali na, ako naman mag babayad eh" Pag pupumilit nya.

"Ayoko pa rin" Pag tanggi ko uli

"Miss, may stock pa ba kayo nito? Pakuha naman ako please" Utos nya sa sales lady.

Napaka kulit talaga. Umiling nalang ako sa di pag sang ayon sa gusto nya. Ngumiti sya at kinuha ang kamay ko

"Minsan lang naman eto eh" Pangungumbinsi nya saken, sabay pisil sa kamay ko.

"Birthday mo hindi birthday ko Lara" Ngumiti lang sya bilang sagot sa sinabi ko.

Pag katapos namin bumili ng damit ay pumunta naman kami sa mga jewelry shop hanggang sa mapagod si Lara at nag aya ng kumain at pag katapos noon ay inihatid nya ako sa bahay.

"Thanks for tonight, Lara. Take care"

"Always, Aubrille. See you tomorrow, don't worry I will pick you up"

Ngumiti ako at kumaway bilang pag paalam sa kanya. Nanatili ako sa labas hanggang sa hindi ko na makita ang kanyang sasakyan. Bigla ko tuloy naalala yung lalaking nakabanggaan ko kanina, I felt bad for the way I treated him, sana hindi yun isa sa mga client ng company namin dahil sigurado akong pa-paalisin ako agad, but i'm too tired right now to think about it. It was a long and tiring day. I just want to lay down in my bed, I guess tomorrow will be long again...

Bound To Be YoursWhere stories live. Discover now