1

5 0 0
                                    

Mahirap pala talaga pag may isa sa mga magulang mo ang nawala, yung pakiramdam na nawalan ka ng isang parte sa buong katawan mo. Masakit sa puso dahil nasanay kang nandyan sya sa tabi mo, na inaalalayan ka niya. Inaasikaso ka, at pinapaalalanan ka sa lahat ng mga kilos mo.

Mag dadalawang linggo na simula nang mamatay si Papa. Inatake si Papa sa puso at wala kami ni Mama nung araw na yun dahil sinamahan nya akong mag-enroll para sa darating na pasukan. Halos sisihin ko ang sarili ko nun kung hindi lamang ako nagpumilit na samahan ako ni Mama edi sana nasugod pa si Papa sa ospital. Baka kasama pa namin sya nila Mama at Beatrix.

Katatapos lang ni Mama mag luto ng tanghalian, alam kong mabigat sa loob nya ang ipakitang malakas sya. Dahil alam ko sa sarili kong dinadamdam parin nya iyon. Ilang gabi ko na syang naririnig na umiiyak habang hawak ang litrato ni Papa. Kahit ako sa sarili ko hindi ko parin tanggap dahil malaking kawalan sa amin si Papa.

"Maisie yung prutas nasa ref, pakidala na dito." Rinig kong utos ni Mama

Dali-dali akong tumayo para pumunta sa kusina. Kinuha ko ang assorted na prutas na nakalagay sa topperware.

"Ito ba yun Ma?." Pagtatanong ko ng makalapit ako sa dinning table

"Ayan nga sige na ilapag mo na yan sa mesa at maupo kana at ikaw Beatrix itigil mo na yang kanonood dahil kakain na."

Umupo ako sa paborito kong pwesto sa tabi ng upuan ni Papa. Nagulat ako ng maupo dito si Beatrix sa tabi ko galing sa sala. Halatang iritado sya at alam na alam namin na kapag wala sa mood si Bunso ay wala ni isa sa amin ang pwedeng mang bwiset sa kanya.

"Anong ulam natin Mama?." Si Beatrix

"Sinabawang alugbati at Adobong Manok ang niluto ko, sige na kumain na tayo."

Agad kaming nagsandok ng kanin at ulam. Tahimik kaming kumakain at ninamannam ang masarap na pagkain sa hapag, natigil lamang ito ng marinig namin ang hikbi ni Mama

"K-kung nandito lang Tatay Viktor nyo edi sana masaya tayong nag sasalo-salo sa hapag." Humihikbing saad ni Mama

Agad akong nagsalin ng maiinom at inabot agad kay mama, nakita kong naiiyak narin si Beatrix na agad hinagod ang likod ni Mama.

"Ma uminom ka muna para kumalma ka." Abot ko sa isang basong tubig

"Ma alam kong mahirap, dahil kahit kami ni Ate ay nahihirapan rin. Hindi parin ako sanay na wala si Papa at parating may kulang simula ng mawala sya." Umiiyak na saad ni Beatrix

Tumalikod ako saka pumunta sa kwarto para ilabas ang naghuhumirintadong bigat ng puso ko, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Papa. Kaya iniyak ko nalang lahat ng sakit dahil kahit kailan hindi mawawala ito sa puso ko lalong-lalo na sa isip ko.

Tama si Beatrix lahat kami ay nahihirapan at nalulungkot ng dahil sa nangyari.

"Ate."

"Hmm?"

"Tumayo ka na dyan at inaantay ka sa sala ni Ate Dhalia."

Umupo ako sa kama ng marinig iyon, kinapa ko muna ang dalawa kong mata para matanggal ang anek-anek na meron ito.

Nakatulog pala ako ng hindi ko namalayan, inayos ko ang bedshit na medyo na gulo at saka lumakad para pasadahan ng suklay ang buhok ko.

"Kanina pa ba siya nariyan? At ano daw ang sadya nya?." Pagtatanong ko sa gitna ng pag-aayos

Nakita kong ngumisi at umirap sa kawalan si Beatrix "Mag kakalahating oras na syang nakaupo dun wala syang sinabi kung ano ang sadya nya pero amoy na amoy ko kung bakit sya napadpad dito para humingi ng tawad sayo dahil inagaw nya ang nobyo mo? O hindi kaya ay makipag-ayos sa lahat ng atraso nya sayo?." Nagkabit-balikat sya saka maarteng umalis sa kwarto ko.

Umiling nalang ako, kahit kailan talaga itong kapatid ko napaka sungit at sobrang arte. Nilapag ko ang ginamit kong hair brush saka ibinaba ang dulo ng t-shirt ko.

Naglalakad ako sa hallway ng kwarto. Tanaw ko na agad si Dhalia sa sala halatang inip na inip na sya sa pag-aantay.

"Bakit ka nandito Dhalia?." Malamig kong tanong nakita kong nag angat siya ng tingin

Umupo ako sa isang sofa namin sa gilid banda, tatlo kasi ang sofa isa sa gitna iyon ang pinakamalaki at tig-isa sa bawat gilid. Bale nasa gitna sya nakaupo at ako naman ang nasa left side na sofa kaharapan namin ang 24 inches na flat screen TV.

Huminga muna sya bago magsalita "Maisie, we need to talk. It's about time Maisie to clear everything."

"Nag-uusap na nga tayo diba? Ano pa bang sasabihin mo? Alam ko na ang lahat at tanggap ko na yun dahil matagal na yon at higit sa lahat pinag-lumaan ko na yun." I said it in sarcastic tone

"No Maisie I know na galit ka parin sakin matapos ang lahat ng nangyari, that's why I'm here to talk to you about that. I want to apologize Maisie gusto kong maging mag-kaibigan parin tayo. Gusto kong maayos pa natin ito ng maaga Bestie." Kita ko ang sinsiridad sa kanyang mata

Pero kahit na humingi siya ng tawad ay hindi ko na sya mapapatawad pa, sobra pa sa sobra ang ginawa nya. Pero aaminin kong naawa ako pero mas lamang ang galit sa kaloob-looban ko nag init ang sistema ko dahil sa kapal ng mukha nya para sabinin lahat yan, na akala nya madali lang ang lahat!

"Maisie Pls-."

PAK!

Sinampal ko sya

"What? Are you Crazy huh? Ang kapal ng mukha mo Dhalia sobrang kapal! Fuck you! Akala ko mo madaling magpatawad sa isang kalasanan na kahit saan mo tignan ay hindi kita mapagbibigyan! AHAS ka! Wala kang kasing kati! At anong hindi pa huli? Gaga! Huli na para patawarin ka, kaya pwede umuwi kana at ayaw na kitang makita!." Sigaw ko dahil nagliliyab na ako sa galit

Kita kong umiiyak sya habang hawak ang isang pisnge niya, narinig kong may lumabas sa isang kwarto ay may mga yabag ng paa na patungo dito.

"Anong nangyari sa inyo, Maisie bakit ka ba sumisigaw anak? Dhalia ang pula ng pinge mo." Si Mama

"Ma palabasin nyo ng bahay yan kung ayaw nyang kaladkarin ko pa sya palabas." Turo ko kay Dhalia nakita kong nanlaki ang mata ni Mama

"Maisie! Ano ba? Bakit ka nag kakaganyan?." Sigaw nya sakin "Ayos ka lang Dhalia? Beatrix!." Aniya saka hinagod ang likod ni Dhalia na walang tigil ang kaiiyak

"Bakit ma?." Iritadong saad ni bunso

"Yelo nga anak kumuha ilagay mo sa ice bag." Uto ni mama

"Ma hayaan mo na yang ahas na yan nararapat lang yan sa kanya." Si Beatrix

"What! Ano bang ginawa nya sa inyo-."

"Ayos lang ako tita, uuwi na po ako. Maisie, Beatrix mauna nako."

Kinuha nya ang bag saka bumeso kay Mama at tumingin sa akin na halatang nag papaawa bago lumakad paalis ng bahay. Huminga ako ng malalim saka tinalikuran sila Mama pero hindi pa ako nakaka-akyat ng tawagin ako ni Mama.

"Maisie!?." Malakas nyang sigaw

Pero hindi ako humarap, feeling ko pagod ako, feeling ko naubos yung inerhiya ko, nasimot lahat dahil ang tagal kong inipon to at ngayon ko lang nailabas.

"Maisie! A-ah ano bang ginagawa mo? Bakit ka ganon magsalita kanina? Naguguluhan ako sa nangyari diba best friend mo si Dhalia?."

Alam ko, alam kong kahit si Mama ay nagulat sa inasta ko dahil kahit kailan hindi ko kayang gawin ang manakit ng tao, pero ngayon nagawa ko sa hayup pa na kaibigan ko.

"Ma, Please leave me alone. I want to rest my mind Please?." Hinarap ko si Mama

"Ma let her be, alam kong pagod rin si ate lakas kaya ng sampal nya halos matanggal yung isang pinge ni Dhalia e." Sulsol ni Beatrix

"Shut up! Beatrix!." Suway ni Mama sa kanya

"Okay fine, pasok nako sa room." Nakangusong nagdadabog si Beatrix ng dumaan sya sa gilid ko

"Hindi sa kinukunsinte kita Maisie Elliz! But I'll give you time to explain everything. You may now go." Galit nyang saad saka umiiling na nilagpasan ako

Whoa! Im so sorry Ma.

Pumasok na ako sa kwarto saka pabagsak na humiga sa kama ko, grr! Naiinis ako at galit na galit ako sa tuwing naaalala ko yung kaahasan nilang ginawa kasam ang ex-boyfriend kong si Carlos Miguel!

Fall In love at First MeetWhere stories live. Discover now