1

2 0 0
                                    

"Provincials na! Let's go, Mustangs!" Impit na sigaw ng aking kaibigan na si Ava.

"Excuse po kay Alonzo, Constantino, Lapuz, Greta, at Jimenez." Nahihiyang kumatok ang schoolmate namin. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil sa mga apilyedo namin na nabanggit.

"Natasha, ipanalo niyo ha?" Sabi ng class president namin. Naghiyawan ulit sila dahil sa narinig. 'Tong kumag na 'to! Kaya kami naaasar e!

Tinutukso kaming dalawa dahil panay ang sagutan namin sa recitation tapos ang kumag na 'to ay gustong-gusto naman kapag tinutukso. May crush 'to sakin e, char.

"Bakit sakin mo lang sinasabi? Andyan sina Ava oh." Sabay turo ko sa kaibigan kong si Ava na nag-gugupit ng crepe paper.

"Wala lang, masama ba?" Biglang sambit niya kaya tinaasan ko siya ng kilay at binelatan. Tumawa naman siya.

"'Di gagi. Pero oo, ipapanalo namin 'to, last game na eh tsaka seniors na din kami, ang panget naman kung talo ang last game." Sabi ko habang inaayos ang aking duffel bag. Tinapik ko ang kaniyang balikat at pumunta sa aking mga kaibigan, which is the half of my team.

"Andyan na 'yung van. Okay na kayo?" I asked them at itong Michelle na 'to na ka-team mate ko ay nilagay ang kamay sa ibabaw ng kaniyang mata na tila may hinahanap. "Asa'an? Wala naman ah?" She asked habang pinagmamasdan ang aming classroom. Binatukan ko na lamang siya.

"Aray naman putcha! 'Yung bola 'yong i-spike mo huwag 'tong maganda kong ulo! Mamamatay ako nang maaga dahil sa'yo e!" Tumatawang sambit niya habang hinihimas ang kaniyang ulo. Kakatapos niya lang kasi mag-tali ng buhok at medyo nasira ito dahil sa pag batok ko.

"Goodluck sa pag-surprise kay ma'am!" Natatawang sambit ng isa pa naming tropa na kasama sa team na si Claudette.

Isusurprise kasi namin si ma'am dahil birthday niya ngayon at may kasalanan kami dahil lahat kami ay naka zero sa quiz. Paano ba naman kasi, mag-papa quiz siya eh hindi niya pa 'yon naturo samin tapos nung malaman niya na bagsak kami ay siya pa 'tong may karapatan na magalit! Sinto lang, char ma'am labyu.

Nagkanda-ugaga na ang mga kaklase namin samantalang kami ay chill lang habang inaayos ang aming mga gamit. Doon kasi kami matutulog sa pupuntahan namin dahil isang buong linggo ang laro.

"Gago andyan na si ma'am!" Biglang pumasok si Alex, ang isa pa naming ka-team mate. Naka suot na siya ng jersey namin at suot na ang kaniyang duffel bag.

Nagsitawanan kaming team kasi alam naming nagloloko lang 'tong si Alex. Mukha namang mga aligagang butete ang mga kaklase ko lalo na ang president namin kaya mas nangibabaw ang tawa ko at nabaling ang atensyon sakin.

"Anong nakakatawa?" Seryosong tanong ng maarte kong kaklase. 'oohs' were heard on the classroom when she asked that. Mas lalo lang akong natawa.

"Kayo," I told her and she raised a brow. Nyetang 'to! Mula first year of high school napaka taray ng trato sakin! Inaano ko ba 'to? Crush din ata ako neto?

"Gago ka, Alex! Manang mana sa kuya amp!" Sigaw ng isa naming kaklase. Tumawa naman siya at nag peace sign.

"Parang di niyo pa kilala si Alex, amp! Ge na, lalarga na kami at maglalaro, baka iba pa ang mai-spike ko dito." We waved goodbye at our classmates. 'Yong mataray naming classmate ay namakyu pa, nag-flying kiss na lamang ako sakanya kaya nagtawanan sila.

Nakabantay lang sa labas ng cr habang ang mga kaibigan ko ay nasa loob pa, magpapalit lang ng jersey bakit kailangan ang tagal pa?

"Capt! Sorry po late, ayaw kami palabasin ni sir!" Aligagang sambit ng teammate namin ngunit mas bata sa amin nang tatlong taon. Grade 9 sila habang kami ay grade 12 na.

Clueless DeceptionWhere stories live. Discover now