2

1 0 0
                                    

"Eto quarters niyo. Ilapag niyo ang mga ganit niyo ang mag ensayo na." Sambit ni coach na agad naming sinunod.

"Claudette, madami daw pogi na Knights." Sabi ni Ava kaya natawa kami. Eto nanaman 'tong dalawang 'to. Paramihan ng crush! Eh kung sinasali ako edi sana panalo nako! Charot lang, lowkey lang dapat.

"Hoy pumunta tayo rito para maglaro hindi para lumandi ha!" Sabi ni Michelle habang hinuhubad ang kaniyang jogger pants. Tinuck in niya ang jersery niya sa high waisted cycling niya at tinali ang buhok ng tirintas.

"Opo, mama. Tsaka crush lang naman! Susundan ko si Coach kapag college na ako! Balita ko daw kase madaming pogi sa Univ niya." Masayang sabi Claudette habang naglalagay ng tint sa cheeks niya.

"Gago." Sabi ni Coach kaya naman natawa kami.

"Oh, Natasha tawa tawa ka diyan? May pa sandal sandal kapa sa balikat nung katabi mo kanina, ediba may galit ka sakanya?" Napatayo ako sa narinig?

Ampota, legit?

"Walang ganiyanan bro. Masamang mag biro ng ganyan." Medyo kinakabahan na natatawang sambit ko.

Tumatawang lumapit sa akin si Alex at ipinakita sa akin ang screen ng phone niya. Picture ko 'yon na naka sandal sa balikat niya at siya naman ay nakasandal sa ulo ko. WHAT THE FUCK?!

"Ha! Putangina!" Napatakip ako ng mukha nang ako naman ang asarin nila.

"I-delete mo 'yan oy! Hindi nakakatuwa!" Sinubukan kong kunin sakaniya ang phone niya ngunit mabilis na lumabas siya sa kuwarto.

"Happy Birthday, Natasha Chryselle!" Sigaw niya sa hallway kaya nagtinginan ang ibang varsity sakaniya.

"Ano ba meron? Bakit galit ka kay Aries?" Our coached queried.

"Mababaw lang kamo coach! Ewan ko ba kung bakit irita padin siya hanggang ngayon! Gusto atang may pinanghahawakan!" Natatawang sambit ni Michelle. I raised my middle finger at her.

"Eh kase after ng midterms 'yon, tas nakatanggap ng text si Chrys na sukatan na daw ng jersey at bawal daw ang umabsent dahil magsisimula na daw siyang magtahi dahil madami raw siyang customers tsaka rush yung order natin non diba? Kaya ayon, pinagmadali kami lahat ni Chrys dahil si Chrys may pupuntahan pa no'n tas biglang prank lang pala 'yon ni Aries. Sa makalawa pa pala yung sukatan ng jersey. G na g si ate mo Chrys muntik nang masuntok si Aries kaso nakatanggap ng text at biglang tumakbo paalis." Sambit ni Michelle.

I rolled my eyes at them at lumabas nalang ng kuwarto. Akala nila mababaw lang 'yon dahil wala naman sila sa sitwasyon ko. Pero di ko naman sila masisisi na ganon ang tingin nila, na mababaw. Hindi ko rin naman kase sinabi sakanila ang nangyari.

Naka cyclings na lamang ako at jersey. I roamed around the campus at nagpasiyahan na bumili ng shake.

" Penge ako." Biglang may tumabi sa akin at sumipsip sa shake ko. Nanlaki ang mata ko at binalak na batukan siya kaso mukha siyang pagod at puno ng pawis kaya hindi ko na tinuloy.

What the fuck is Aundraey Klaus Sandoval doing here?!

"Tangina ano ginagawa mo dito?" He was still wearing our school uniform. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Support sa bestie ko malamang!" Sabay pisil sa pisngi ko. "Tanga! Wala pa kaming laro ngayon! Pano ka nakapunta dito?" Takhang tanong ko sakaniya.

Mas lalong nagiging crowded dito at 'yung iba ay tinitingnan pa 'tong ipis sa tabi ko. Puro kase naka jersey 'yung iba, pero yung iba naman naka uniform din pero siya kase ay mahahalata mong nag cutting.

"Secret. Samahan moko sa cr bibihis ako." Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. "Aray ko naman! Hihintayin mo lang ako sa labas! Ikaw lang close ko dito!" Sambit niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Clueless DeceptionWhere stories live. Discover now