Kung Bughaw

24 2 2
                                    


Magandang araw binibini at ginoo
Halina't basahin ang tulang ginawa ko

Mahal kita irog ko
Kamusta ka mahal ko
Gusto mo bang mamasyal tayo
Magandang umaga mahal ko
Ilan lang yan sa sana'y palaging masasabi ko
Kung ako sana ang pinili at pinakasalan mo

Halos isang dekada na ang lumipas
Ngunit di pa rin mawala ang pagmamahal ko sayo ng wagas
Bakit ano bang mali sa akin
At sa kanya ka nagpaangkin

Bakit kung kailan sumugal na tayo ,ay saka ka bumitaw at sinira ang pangako mo
Bakit kung kailan bubuo na tayo ng sariling pamilya ay saka ka sumama sa iba

Araw-araw pa rin kitang nakikitang masaya
Habang ako ay patuloy paring nangungulila
Araw-araw kong tinatanong kung ano bang mali sa akin
Araw-araw kung tinatanong kung sino ba sa atin ang salarin
Salarin kung bakit nawala ang lahat ng ating pinagsamahan
Araw -araw kung tinatanong hanggang sa mapagtanto ko na ang dahilan

Hindi nga pala ako kasing yaman ng napangasawa mo
Hindi ko nga pala kayang ibigay lahat ng kagustuhan mo
Hindi ko nga pala kayang ibigay ang magarang buhay na pinapangarap mo
At dahil doon sumama ka sa kanya
Dahil lahat ng iyon ay naibigay nya

Ngayon alam ko na ang mali
At alam ko na rin ang Sanhi
Kakatuwang umaasa pa rin ako
Kahit na masaya ka na sa buhay mo

Kung Bughaw rin ba ang aking lahi
Ako rin ba iyong natatanging mapipili
Ako rin ba ang ama ng mga anak mo
Ako rin ba ang tanging iibigin mo

Siguro nga hindi
Pero sana matagpong muli
Kahit pa sa kabila pang daigdig
Sana pagmamahalan na natin ang mananaig

Kung Bughaw lang sana ang aking lahi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now