Prologue

29 0 0
                                    


"Name?" 

"Alvarez. Luke Anthony Alvarez"

"Age?" 

"I'm 22."

"Okay, Luke, tell me what happened."


Tinignan ko ang paligid. Dalawa lang kami ni Dr. Evelyn Tan sa loob ng kwadradong kwarto. May malaking salamin sa likod nya, pero alam ko hindi ordinaryong salamin iyon. Sa likod nun, alam ko nandun sila; nagmamasid, nakikinig, inoobserbahan ang bawat sasabihin ko. 

Nakapatong ang isang recorder sa side ng lamesa ni Dr. Tan. Ang ballpen nya'y nakadampi sa ilang piraso ng papel na nasa kanyang harapan, tila ito'y mananatiling nakahinto at gagalaw lamang sa t'wing ako'y magsasalita.

Nakagapos ang kamay ko sa posas na naka-kabit sa bakal na lamesa. Hindi naman ako tatakas, hindi ko kailangan tumakas. 

Paunti-unting humihina ang sindi ng nag-iisang bumbilya sa maliit na kwartong ito. Tinitigan ko, hinayaan ko masanay ang mga mata ko sa liwanag ng pumipintig na ilaw nito hanggang ang buong paligid na lang ang mag-dilim.

San nga ba ko mag-sisimula...

Ah.

Sa kanya. 

S'ya. 

S'ya ang simula ng lahat. 

HEMLOCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon