June 04, 2018 -Bicol University College of Arts and Letters Campus Gate:
Finally, last year of college.
Halos walang paglagyan ang excitement sa puso ko habang tinitignan ko ang entrance ng campus.
"If I take another step, this will mark my official last first day in BUCAL," I mumbled a little too loudly ata kasi bigla ko na lang naramdaman na may bumatok sakin. Napalingon ako at nakita ko si Tine, blockmate ko since freshman.
"Ulol, Lukas. Siguraduhin mo munang ga-graduate ka. Ang advance mo naman maka-last first day in BU, mamaya mag-reretake ka pala," sambit ni Tine sabay hatak sa braso ko. "Tara na, malalate tayo kung tutunganga ka pa dyan. Savor the moment, but remember, carpe diem din!"
Well, she's right.
But of course she's always going to be right. What can I expect ba naman sa the one and only Kristine Joyce Pacheco.
Top 1 sa BUCAL entrance exam. Dean's lister since first year. Consistent class governor. Member ng League of Outstanding Bicolano Students. Incoming Editor in Chief ng University paper, uunahan ko na ah, this is inevitable talaga eh. Head ng Bicol Alliance of Neo-Journalist. Undefeated Champion sa English Fest National Extemporaneous Speaking Contest. Singer. Writer, obviously. Song-writer. Dancer. Painter. Pianist. Shit, lahat na. Kung nag-paulan si Lord ng talents at talino, hindi lang balde dala nya, sinalok nya lahat papunta sa swimming pool nya.
"Tine! Oh my God, Tine!" sigaw ng isang matangkad and slender na lalaking may pink feathered headband na tumatakbo palapit sa amin. Si Ricar, ang president ng LGBT Org. ng BU. S'ya rin ang isa sa mga organizers ng mga pageants sa campus.
"Tine, huy girl, this is the last pakening year na natin dito sa college, kaya dapat pak din ang exit natin! Girl, kelan mo ba kami pagbibigyan? Since freshman ka pa namin nililigawan sumali sa Ms. BU," sambit ni Ricar.
Ah, hindi lang pala sa talino at talent blessed itong si Tine. She's also one of the most beautiful girls in the campus. Her name Kristine? That's actually because pinaglihi sya kay Kristine Hermosa, and it shows. She's not your average mestiza girl kasi kahit bareface yan at sasabihin nya na haggard sya, she can make heads turn wherever she goes.
"Girl hindi mo na kailangan mag-screening chever chever na yan, ikaw na ililista ko ha. Girl please, huhu, with you on the roster I'm fabulously sure na mananalo na rin FOR ONCE ang college natin. Omg, like girl, nakakahiya we're always in top 5, naturingan pa naman tayong College of A-Listers, kaya CAL diba?" pagmakakaawa ni Ricar.
Umiling at nagtago lang si Tine sa likod ko.
"Akala ko CAL means College of Artificial Ladies," sagot ko habang nakangisi na medyo nakakaasar. Sanay lang talaga ako mang-asar.
Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Ricar nang tumingin sya sakin.
"Ah, you're here pala Alvarez, sorry di kita napansin, ina-avoid kasi actively ng eyes ko ang mga asungot na eyesore kagaya mo. Kung wala ka magandang sasabihin shut up ka na lang, pwede ba? You're not only wasting your breath, you're contributing to global warming dahil walang kwenta pinuputok ng butse mo dumadagdag ka lang sa carbon dioxide emissions, isa kang salot, na asungot, na nakikita sa bangungot, na mukhang kulangot..." pasada ni Ricar
"Tine, inaaway ako nung kapre oh," pabiro kong sagot habang tinitignan si Tine na pinipigilan ang sariling tumawa.
"KAPRE? HOW DARE YOU TALAGA ALVA..." Ricar boomed
"Tama na, tama na," pag-awat ni Tine sa amin habang pumapagitna sya.
Hindi marunong mag-eskandalo si Ricar because she prides herself as being able to maintain poise and composure, very Miss Universe, may lawit nga lang, pero man I'm so close na masapak ng baklitang to.
BINABASA MO ANG
HEMLOCK
Teen FictionEven in very small amounts, it is fatal. Labeled as unsafe, deadly, and lethal...she is nonetheless, my personal poison. "I can kill you," she warned. "Kill me with a smile," I hesitantly uttered.