04

34 0 0
                                    

June 11, 2018 - Bicol University College of Arts and Letters Amphitheater:

"Oh. My. God!" halos mahulog sa sahig ang panga ni Ricar habang pinapanood si Tine. Kahit nakatalikod na si Tine ay hindi maalis ang tingin ng dalawang Magenta sisters sa kanya. Ako naman pilit na pinipigil ngumiti habang tinitignan si Tine na naglalakad palapit sa akin. 

She owned that ramp, from the flare to her magnetic stare, Tine nailed the catwalk like as if she had been born to do so. Mag-dududa ka talaga pag sinabi kong first pageant nya to, she was just a natural, para syang Victoria's Secret Angel nga actually...

Pero as she turned and looked at me with her contagious laugh-smile, there she is again, the Tine I know. Simple yet extraordinary. 

Napa-slow clap na lang ako, not bad for the 15th time lol.

"Kung alam ko lang na gutom ka lang pala kaya di ka maka-awra edi sana kanina pa kita niyaya mag-big bite at slurpee," ani ko habang nakangiti ako sa kanya, hinihintay na makalapit sya sakin. 

"Buang ka, Lukas," Tine remarked making a silly face as she did so. 

She was slowly shedding of that model persona and started to walk casually, pero along the transition she took a misstep and slipped. Kaagad ako sumugod sa tabi nya and grabbed her by the wasit, just in time to catch her bago sya matumba pero tangina clumsy din ako kaya hindi ko nabalanse sarili ko. I just shifted her body on top of me so I could at least cushion her fall. We both fell to the ground with her on my chest. 

Napatingin ako sa kanya as she lay on top of me and she stared back into my eyes. Na-realize ko sobrang magkalapit na ang mga mukha namin. Para akong naparalisa at hindi makakilos habang nakatitig sa kanya, from her eyes, her nose, her soft...kissable.. lips. 

My heart pounded so hard napaisip ako kung naririnig ba sa amphitheater ang malakas na kabog ng dibdib ko. Tumigil ba ang pag-ikot ng mundo o bumagal? Parang ang tagal namin sa posisyon namin pero at the same time parang saglit lang mula nung matumba kami. Hindi ko alam ano pumasok sa isip ko pero parang may demonyong tinutulak ang ulo ko palapit sa kanya. 

"Ay, ang landi ha?" binasag ng matinis na boses ni Ricar ang pag-mumuni muni ko. Parang biglang fast forward at humabol ang oras mula sa kaninang pagkakatigil nito. Pati si Tine halatang nagulantang at dali daling bumangon sabay inabot ang kamay nya para tulungan din akong makatayo. 

"Umamin nga kayo," simula ni Ricar habang binabaling ang tingin kay Tine, na tinutulungan ako pagpagan ang likod ng t-shirt ko, papunta sakin. "May something ba sainyong dalawa?" 

Napatigil kami ni Tine, nagka-tinginan, at sabay na tumawa. 

"The fuck, Ricar, wala no? Close lang kami nito ni Lukas kasi kailangan may nag-babantay sa baby na to, lalampa lampa eh," pambabara ni Tine. 

"Ikaw yung natalisod pero ako yung lampa? Sure ka? Buti nga nasalo kita," sagot ko.

"Nasalo mo ba talaga eh natumba tayo parehas?" Nakapamewang pa na sagot ni Tine na bakas ang sarcasm sa tono. 

"Oh sya edi wala, kung wala, mamaya na kayo mag-away mag-asawa dyan, may naisip kami ni Shannel number two," lumapit samin ang dalawa, si Ricar halos mag-Glasgow smile na sa sobrang ngiti, halatang excited sa sasabihin nya. Hinawakan nya ang dalawang kamay ni Tine. "We decided Luke will be your partner as Mr. BU!" sobrang tinis ng boses ni Ricar akala mo ilang helium ang nainhale

"Paaak!!!" pag-double naman ni Shannel.

Lumingon si Ricar na may mataray na tingin kay Shannel, "bitch don't steal my line, akin lang ang Pak! Trademark. I own all the Pakening Pak of the Pakening Pakers, capiche?" 

HEMLOCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon