INTERPLAYChapter 13
Ihahatid pa sana niya si Emiliana sa kwarto nito pero ito na kaagad ang nagsabi na magkita na lamang daw sila makalipas ang isang oras dahil gusto nitong mag shower at mag relax. Hindi naman siya umangal at hinayaan na lamang ito. Nang makapasok siya sa sarili niyang silid ay tumayo siya sa may bintana at tiningnan ang paligid. Maganda ang view sa kwarto niya, maganda rin ang silid niya.
Damn, Emiliana paid for our accommodation.
Nahilot niya ang sintido at napaupo siya sa gilid ng kama. Parang gusto niyang mahiya rito at sa sarili dahil ginagastusan siya nito. Para siyang boy toy kung ang pagbabasehan ay ang ginagawa nilang mga activities, ang ginagawa nitong pag reregalo sa kanya, at kung anu ano pa. Nagbuntong hininga siya, ang mabuti pa ay maligo na rin siya at mag relax, mamaya na niya iisipin kung papaano babawi rito.
-
Naka jacket at maong na pantalon ang maganda niyang kliyente. Nakasuot din ito ng boots at may satin scarf na ginawa nitong hair band. Nauna ito sa kanya sa lobby ng hotel at may kausap ito sa cellphone. Tumayo siya sa likuran nito at hindi yata siya napansin.
“Yes, papunta na rin kami.” Sabi nito sa kausap. Nang ibaba nito ang cellphone at humarap ay bumangga ito sa dibdib niya. Suminghap si Emiliana.
“Sorry …” Mabilis na sabi nito pero nang tumingala ito at nakita siya ay hinampas siya nito sa dibdib. “Attorney!” Sita nito sa kanya. Ngumiti naman siya at inilagay na niya ang kamay sa lower back nito upang lumabas na sila.
“Matagal ka bang naghintay sa lobby?” Tanong niya. Ibinukas ang dalang payong at mas kinabig pa ang katawan nito palapit sa kanya. Ayaw niyang mabasa sila sa ulan.
“No. Kabababa ko lang din, Attorney. Tumawag na ‘yung artist. Kino-confirm kung darating tayo.”
“Okay. Malapit lang naman iyon dito sa hotel, hindi ba?”
“Yes. I’m excited to see his works.” Sabi nito at ngumiti sa kanya. Naroon na naman ang kislap sa mga mata nito kaya’t hindi niya mapigilan ang mapangiti na lamang din. Gusto niyang nakikita ang kislap sa mga mata ni Mia.
-
Mas malaki ang workshop ni Mr. Jimenez pero kakaiba ang style ng artworks ng artist na pinuntahan nila. Nagulat siya nang makita ang artist. Parang teenager pa lang yata ito.
“Thank you, Miss Mia.” Saad ng artist at nakipag handshake ito kay Emiliana.
“No, thank you for letting me see your artworks in person.” Sagot ni Mia rito. She’s beaming again. The kid and him was enthralled by her energy.
The kid was awestruck, like he’s seeing an angel who descended from heaven.
Same, kid. Same.
Ipinakila sila ng artist sa parents nito, at gaya ng hinala niya ay bata pa nga ito, barely legal.
“Where did you find this artist?” Tanong niya kay Emiliana. He stood behind her closely while she examines the kid’s artworks.
“Instagram.” Simpleng sagot sa kanya ni Mia.
“What? Where?” Kunot noong tanong niya. He’s curious, palibhasa ay si Mr. Jimenez ay kakilala na ni Emiliana bata pa lamang ito. Pero itong artist na pinuntahan nila ngayon ay baka hindi pa pinapanganak while he’s busy throwing his virginity away already.
“Instagram, don’t you know what that is?” Balik tanong ni Emiliana sa kanya habang patuloy nitong tinitingnan ang nga paintings. “It’s an application where people post pictures. Lloyd, the artist displayed his artworks there. Also, meron din siyang YouTube account, he’s putting tutorial videos there. You can be a celebrity in that thing. Many kids these days generate income from those apps. I’ll show you how it works later.”