INTERPLAY
Chapter 7
“Okay, listen. I won’t be here for a couple of weeks since Hannah’s due date is on Tuesday.” Si Thomas nang sumunod silang dalawa ni Devlin sa opisina nito.
“Damn, congratulations on baby number two.” Si Devlin iyon.
“So, anong ipapangalan mo sa anak mo?” Tanong ni Lillian kay Devlin.
“Thomas Kessler.”
“Another Thomas. Mag isip ka naman ng ibang pangalan.” Sabi niya rito.
“Kessler. Can’t break the chain, Wes. Every Mendez man must have “Thomas” as their first name.”
“From A to Z.” Si Devlin.
“Damn.” Saad niya.
“So, if there’s an emergency here please don’t call me.” Sabi nito at nagsimula na nitong isilid sa bag ang laptop at ang ilang folders.
“Yes, sir.” Sagot nila rito.
“Package for Wesley again!” Announced ni Karen sa kanila at pumasok sa office ni Thomas.
“I’m curious, kanino nanggagaling ang kung anu –anong package para sa’yo.” Si Devlin iyon na nakahalukipkip sa kanya.
“Me too.” Si Tom.
“Di hamak na mas malaki ang package niya ngayon kaysa sa karaniwan.” Kumunot ang noo niya at sumunod rito palabas ng opisina.
A thin huge box is in the lobby.
“Damn, that’s huge. Is that a TV?” Tanong ni Devlin. Lumabas na rin ang iba pa nilang kasamahan upang tingnan ang package.
“That’s a painting.” Saad niya dahil alam na niya kaagad na galing kay Mia ang package at ang painting ni Mr. Jimenez ang laman ng kahon.
“Bumibili ka na ng paintings ngayon?” Tanong ni Karen.
“Yes.” Sabi niya at pinamaywangan ang mga ito sa mapanghusgang tingin sa kanya.
“For Attorney Yuihara, thanks. Mia.” Si Tom. Nang tingan niya ito ay wala itong hawak na card pero ang daliri nito ay nasa ibabaw ng kahon.
Humakbang siya palapit at nakita niya ang handwriting ni Mia sa mismong kahon.
So she didn’t send me a card this time, huh?
“You purchased a painting from Mia? Akala ko next month pa ang opening ng gallery niya?” Tanong ni Tom sa kanya.
“Yes, two weeks from now ang opening ng gallery niya at hindi ko pa nababayaran ang painting.” Saad niya.
“I’ll pay for it if I like it. Ilagay natin sa pader na ‘yon.” Sagot nito sa kanya at itinuro ang bakanteng pader sa loob ng opisina. Ito na rin ang nag simulang mag tanggal ng packaging tape ng kahon.
“Hey, no. Akin itong painting na ‘to. Ilalagay ko ‘to sa bahay ko.” Sagot niya at hinawakan ang kahon.
“Okay. I’ll call Mia, I’ll tell her to send me a painting for our office.” Sabi lamang ni Thomas sa kanya pero may kakaiba sa mga mata nito pero hindi niya itatanong kung ano iyon dahil baka tila boomerang na balikan siya ng mga tanong nito.
-
Naiuwi niya sa bahay ang painting at nang buksan niya iyon ay tila uminit bigla ang ulo niya nang walang card sa loob ng kahon. Ang naroon lamang ay ang naka frame na painting ni Mr. Jimenez at wala ng iba.