Geeting to know them.
••
Pashnea talaga yung Chantalle na yun! Sakit ng anit ko litse! Kala mo talaga maganada, e maganda naman talaga siya, ugali niya naman sobrang pangit!
Bagong rebond 'tong buhok ko tas guguluhin niya lang? Mahal kaya bayad neto! Sayang yung pinambayad ko kay ataekoya na nag rebond neto. Pero charot lang, tuwid na tuwid na talaga buhok ko, hindi pa ito nakakatikim nh chemical. Natural to sis natural! Alagang dove. My hair, my say! Charoot!
Baka naman na silaw sila sa shining shimmering splendid hair ko? Ah baka ganun na nga. Bat kase kasing ganda ko yung buhok ko. Iba talaga pag pinagpala no? Hays.
Pagkatapos akong guluhin ng PPG, nagsimula na akong maglakad ulit papuntang canteen.
Lalala
Lalala
Lalala
Napatigil ako sa pag-h-hum ko at dahan dahan na naglakad. Ano nanaman kayang meron at bat ang daming tao dito? Eh hindi naman na lunch time? Wait, magtanong tayo. Curious ako eh. Tanungin natin si ateng kulot.
"Hi ate! Anong meron at ang daming tao?" Ay hala ang snob ni ate, di ako pinansin. Napaatras ako ng may biglang nagtulak sakin.
"Hoy nerd! Tabi ka nga sa dinadaanan ko! Tabi!" Wow! Attitude sis? Ganda ka? Ganda?
Bahala sila sa buhay nila! Pake ko ba kung sino yang pinagkakaguluhan nila. Pero hindi talaga eh. Nac-curious talaga ako. Umiiral talaga yung chismosanism ko. Okay last na talaga to, pag hindi parin ako papansinin neto, wala na talaga akong pake.
"Hi sis, anong meron? May artista ba?" Tanong ko sa kapwa nerd ko. Yes, feel ko kasi sasagot to ng matino sakin. Maganda din sana tong si ate kung di lang magulo buhok ko neto eh. Ako kase bawal magulo buhok ko. Gagalit si mama, ayaw non magulo buhok ko. Gagalit din yun pag nawawala yung hairpin ko pag uwi. Yung hairpin ko hindi pambata ah, yung hairpin ko tulad ng hairpin na ginagamit ni Seo-Dan mg CLOY hehe. Fan ako ng kdrama eh, kamukha ko nga si Seo Dan. Yes sis confidence 101 again! Back to ate na tayo.
"Di mo alam?"
"Magtatanong po ba ako kung alam ko po?" Si ate talaga medyo slow din, magtatanong ba tayo kung alam na diba?
"Sabi ko nga di mo alam, ano kase andito yung anak ng may-ari ng school. Si Kleint, yung varsity player. Future jowa ko yun eh." Aba si ate mapag-angkin eh.
"Eh ano naman kung andito siya." Baliwala kong sagot.
"Ay te, di mo siya knows? Super sikat kaya niyan sa social media at sa personal! Andami nga niyang followers sa IG, Twt, TikTok at Facebook! Lahat yan na-ifollow ko na. Siya si Kleint Cyfer Harrison, 20yrs old. 2nd year college, taking up BSBA. Future tagapagmana ng puso ko." Dreamy na saad ni ate. Wow! Alam na alam. Pake ko naman.
"Ganun ba ate, salamat po." Kala ko naman kung sino yung andito. Anak lang pala ng may-ari ng school na'to.
Paalis na ako ng bigla nanaman akong tinawag ni ate. "Ay wait! Ako si Quinnzyll, Quinnzyll Blyss Bustamante, grade 11 na ako. ABM student. Ikaw? Transferee?"
"Nope. New student po ako. Grade 11 din, ABM student. Sheirra pangalan ko." Sabay shakehands ko sa kanya.
May mabait din palang studyante dito. Kala ko puro mga demonyito at demonyitang spoild brat ang mga studyante dito.
"Ay bet! Same lang pala tayo na ABM. Baka nga magk-klase tayo eh at di ko lang napansin kanina, saan ka nag junior high? Ako kase dito na sa Harrison simula kinder. Di lang halata sa itsura ko pero may kaya din naman kami hehe."
BINABASA MO ANG
Stalker ni N.E.R.D
RomanceA story of a Nerdy Girl who have a Handsome Stalker. Sheira Aaliyah Courtney Javier and Kleint Cyfer Harrison's story.