Siguradong sigurado pa ako noon
Nung mga panahon na ang mga mata at puso ko'y sayo lang nakatuon
Mga sandaling parang nasa isang lugar kung saan tayo lang ang nandoon
Ang tuwa at saya saking mga mata ay mababakas noonSiguradong sigurado pa ako noon
Na tuwing sasabihin ko ang mga salitang "Mag ingat ka" "Kumain ka na ba?" at "Kamusta ka na?"
At sasagot ka ng "Ikaw din ingat ka" "Oo, ikaw?" at "Ayos lang, ikaw ba?"
Ay walang humpay ang puso ko sa pagtalon at pag asaBawat araw at oras na lumipas ay walang paglagyan ang saya
Lalo na sa tuwing ikaw ay aking tititigan at ikaw ay nakangiti na abot hanggang mata
Hindi maitatago ang mga ngiting sa aking muhka ay kitang kita
Dahil kahit anong gawin mo noon ako ay talagang napapasayaNgunit gaya ng sabi nila na lahat ay may hangganan
Ang saya at mga ngiti ay unti unting nawakasan
Ang inaakalang pag ibig ko para sayo ay matutugunan
Biglang naglaho nang sabihin mong sa akin ay wala kang nararamdamanSiguradong sigurado pa ako noon
Tuwing babanggitin ko ang mga salitang "Mahal kita"
Pero sa paglipas ng kaunting panahon kung saan ang puso ko'y unti unting naghihilom
Masasabi kong darating din ang panahon na sasabihin ko ng walang pag aalinlangan na "Mahal kita noon pero mas mahal ko na ang sarili ko ngayon"