Two

2 0 0
                                    

Ang pagtingin sayo'y tinatanggi pa nung una
Dahil mismong ako'y hindi alam kung totoo ba
Tinatanong sa sarili kung mahal na nga ba kita
Ngunit dumaan ang ilang araw at walang sagot na nakuha

Pag daan ng ilang linggo na ikaw ay nakilala pa ng lubusan
Ang pagtingin ko sayo ay alam kong lumalim ng tuluyan
Ngunit hindi pa din maamin at masabi kahit kanino man
Dahil may pagaalinlangan pa din kung ito ba ay pag ibig na o ako'y nalilito lang

Habang tumatagal ako ay naliliwanagan
Lalo na nang mga panahong pag ikaw ay aking titignan
Tititigan mo din ako na parang ako ay sayo lang
At tuwing ikaw ay aking hahagkan at
Yayakapin mo ako na parang sa mundong ito ay ikaw at ako lamang

Lumipas ang maraming buwan na ang puso ko ay sobrang saya
Masaya akong makita ka, makasama at makausap ka
Maliliit na bagay kumpara sa iba ngunit sakin ay napakalaki na

Isang araw habang hawak ang iyong mga kamay
Ako'y biglang napaisip sa mga tanong kung ikaw ba ay akin nang mahal
O sadyang masaya lang sa tuwing iisipin na may ako at ikaw
Habang nakatingin sa ating mga kamay
Ako'y napasabi na lang na napakasakit siguro pag dumating yung panahon na ang isa satin ay gusto nang bumitaw

Sa puntong yon ay nasagot ko na ang tanong na ilang buwan kong pinagisipan
At oo inaamin ko ako ay natakot at nagkaroon ng alinlangan
Nasagot ko na ang tanong saking isipan
Ang tanong naman ngayon "Mahal mo na din ba ako o baka ikaw ang nalilito lang?"

Dumating ang aking kinatatakutan
Nang sandaling sumagot ka saking katanungan
Sabi mo ako ay iyong kaibigan lang
At hanggang dun lang ang kaya mong ibigay dahil ayaw mo akong masaktan

Ang inakalang pag ibig ay kathang isip lang pala
Ang ikaw at ako ay biglang naglaho na parang bula
Parang namatay ang puso at nawala ang pag asa
Totoo nga ang sabi nila maraming namamatay sa maling akala

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon