Bakit kailangan pang maramdaman kung wala namang karapatan
Bakit nasasaktan ang siyang nagmamahal lang naman
Kung alam bang sa una palang ay wala nang laban
Dapat bang pinigil nalang o mapipigilan nga ba ang nararamdamanSabi nila na kapag nagmahal ka normal ang masaktan
Na ang sakit ay laging nandyan pag nagmamahalan
Ngunit bakit ang nangyari sating pagitan
Ako lang ang nagmahal kaya't ako ay lubos ngayon na nasasaktanMasakit isipin na ang pagmamahal sayo ay walang pinatunguhan
Na minsan sumagi sa isip ko ang panghihinayang
Ngunit hindi ko kailanman pinagsisihan na ikaw ay aking minahal
Na nagkaroon ng ikaw at ako kahit sa isip at puso ko lamang