PROLOGUE

27 4 9
                                    

Magulo, yan ang unang papasok sa isip mo pagtapak na pagtapak mo palang sa tarangkahan ng night market, ang pinaka malaki at pinaka sikat na pamilihan sa buong Arcadia. Mga taong paruo't parito, kaliwat kanang mga tindahan, nagkakagulong mga mamimili, mga batang nagtatakbuhan, grupo grupo ng mga kabataan at pamilya na masayang kumakain at nagtatawanan.
Ngunit sa dagat ng mga taong may ngiti sa bawat labi at makikita ang saya sa mata, may isang taong tahimik na nakamasid sa paligid. Kapansin pansin ang walang emosyon sa maamong mukha nito subalit makikita mo sa mata nito ang pagiging payapa, kabaliktaran sa kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.

" tara na Alisha nakabili na ako ng gagamitin natin "

Napalingon ang babae sa taong tumawag sa kanyang pangalan at nang makilala nya kung sino ito ay agad itong tumayo at naglakad paalis sa magulong lugar na iyon. Isang huling sulyap ang ibinigay nito sa dagat ng mga taong nagkakasiyahan at may mumunting ngiti sa labing nag lakad palayo.

" next week pasokan na, kaya dapat bukas o sa susunod na araw pumunta na tayo sa akademya "

Wika ng kanyang kaibigan at naglakad papasok sa isang madilim na iskinita. Walang pangambang binaybay nila ang lugar na iyon dahil nadin siguro sa tulong ng sinag ng buwan na nagbibigay ng mumunting liwanag sa kanilang lilalakaran at sa araw araw nilang pagdaan duon ay nakasanayan na.

" hmm.. dadaanan ko din bukas ang aklatan ni Ms. Caroline para ibalik yung librong hiniram ko "

Sagot nito habang ingat na ingat sa pagtapak dahil sa maputik na daan dulot ng pagulan kaninang umaga. Tahimik nalang silang nag lakad hanggang sa makarating sa bahay na kanilang tinutuluyan, parehong malalim ang isip tungkol sa mga bagay na kanilang dapat gawin kinaumagan hanggang makaramdam ng antok at napag pasyahang magpahinga gawa na din ng pagod dahil sa napaka haba at abalang araw na iyon.

Forbidden FruitWhere stories live. Discover now