Kasama rin ako sa mga taong nangangarap, nangangarap ng isang bagay, nangangarap ng marangyang buhay at nangangarap ng mga pangyayari na imposibleng maranasan.Isa ako sa kanila.May kanya-kanya tayong pangarap, kahit nga maayos na ang kinalalagyan ng isang tao may papangarapin pa silang iba, hindi naman masama ang mangarap pero dapat mangarap ka ng isang bagay na talagang kakayanin mo na abutin pero sa kalagayan namin imposibleng maranasan na ang makapasok sa hinahangad na akademya na hindi bagay na tulad namin.
Tumingin ako kay Lola, bakit naman naisip to ni Lola?
"Lola,matagal ko na pong pangarap na makapag-aral sa akademya simula bata pa po ako ngunit hindi ko naman po dinidibdib ang ganiyang bagay na imposibleng maranasan ko at natin" malumay na sagot ko kay Lola, ngumiti ako pagkatapos.
"Naintindihan kita apo ngunit hindi naman mali kung subukan mo dahil mas masaya kung pinaghihirapan mo ang isang bagay, pero gusto mo bang makapag-aral sa akademiya?"
"opo"
Tumingin ako sa kandila sa harapan namin malapit na siyang maupos.
"Lola, papalitan ko lang po kandila ng lamparilya " paalala ko kay Lola na kumakain pa.
"O sige"
Nagpunta ako sa kusina para kunin ang lamparilya tapos bumalik ako sa lamesa, sinindihan ko muna ang lamparilya at nilagay ko sa lamesa at kinuha ko ang upos na kandila na nilagay ko sa garapon na may maraming upos na rin na kandila , iniipon ko yan para hindi sayang, magagawa pa yan ng ilang kandila na bago. Bumalik na ako sa lamesa at nagsimula ng kumain.
"Apo sana maintindihan mo si Lola dahil gusto ko lang na ipagpatuloy mo ang pag-aaral ko ayoko na matulad ka sa amin na walang masyadong napag-aralan." sambit ni Lola habang ipagpatuloy namin ang pagkain.
"Lola kuntento naman po ako kung ano ang buhay natin at ang mga natutununan ko, ang mas mahalaga kasama ko po kayo" nakangiti kung sambit kay Lola.
"Apo isa lang ang hinihingil ko sa diyos na sana bago ako mawala sa mundong ito ang makapag-aral ka muna "
"Lola huwag po kayong magsalita ng ganyan, makakasama ko pa kayo kahit na may apo na po ako" natatawa kung sabi ko kay Lola. Si Lola talaga ano-ano na lang ang nasasabi.
Tumawa na lang si Lola.
"Apo papayag ka ba na ipalista kita doon sa mga tao na may dala-dalang kabayo?" nagulat ako sa tanong ni Lola.
"Lola naman,masayang-masaya na po ako sa buhay ko kasama ko po kayo, wala na pong maitutumbas na halaga sa prisensiya niyo"
"Apo kahit isa lang subukan natin kapag hindi ka talaga makapasok, okay lang hihinto na tayo, papayag ka ba apo?" malumay na tanong ni Lola sa akin.
Hindi ko alam pero napipi ako dahil sa tanong ni Lola, hindi ko akalain na mararating kami sa usapan na ipapalista niya ako doon. Hindi naman masama kung subukan pero alam na nang lahat na walang pag-asa na makapasa kami sa mga pagsubok na sa una pa lang walang-wala na kami. Tumingin ako kay Lola, seryoso ang kaniyang mukha sa ekpresyon na pinapakita niya alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin.Wala akong maisagot kay Lola sa oras na iyon.
"Apo,pagbibigyan mo ba si Lola?" malungkot na tanong ni Lola.
"Lola naiintindihan ko po ang inyong punto at sana kapag hindi po ako makapasa sa mga pagsubok para makapasok sa akademiya hihinto na po tayo at Lola pag-iisipan ko po ang inyong tanong" nakangiti kung sambit
kay Lola, kahit sa paraan na yun magiging masaya siya sa kaniyang hiling."Maraming salamat apo" naiiyak na ngumingiti na pasasalamat ni Lola.
Nagulat ako dahil umiiyak siya.
BINABASA MO ANG
LE VIOUR ACADEMY (on-going)
Mystery / ThrillerMasaya at kuntento na ang kinagalawang mundo ni Tanya.Isang na lang taong natira at nagmamahal sa kaniya, ang kaniyang Lola Imelda. Nangangarap sa isang pinakasikat at pinakamahusay na akademiya sa mundo nila ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na...