"KABANATA 6"

27 28 0
                                    

Paumanhin dahil matagal akong naka-update, busy po ang author niyo.
Para sa inyo  ito!

****

Nandito kami ngayon sa isang gubat, nakakatakot na gubat, nasa harapan pa lang ako ngunit ayoko nang pumasok diyan. Si Marie ngayon kalma lang at ang dalawa na pinakilala niya sa akin na pinsan niya ang lalaki at kapatid niya ang babae.

Anong gagawin namin dito?

Mga trenta siguro kami.Tumayo ang lalaki sa aming harapan.

"Isang pagsubok ang naghihintay sa loob , itong gubat na ito ay delikado dahil hindi mo alam ang nga nangyayari sa loob at ang nga hayop na bihira mo makita . Isa lang ang misyon niyong lahat ang makuha ang  tela na kulay itim sa loob ng trenta minutos. Kapag oras na walang gagalaw dahil iba na ang nagbabantay sa inyo, hintayin niyo lang kaming lumapit sa inyo.Hindi ito grupo-grupo, indibidwal ang misyon na ito. Naiintindihan niyo?! "

" OPO! "sigaw naming lahat. Napabaling ang tingin ko sa lalaki kanina. Nasa gilid lang. Walang ekspresyon.

" Pasok na kayo"

Isa-isa kaming pumasok, paunahan daw ito,dahil iilan lang ang mga tela na itim sa loob mga bente raw.

Nasa likod lang ako ni Marie, nakakatakot ang gubat na ito. Nag linya-linya kaming lahat, walang isang lumayo sa amin.

"Maghiwalay-hiwalay tayo dahil hindi ito matatapos kapag ganito lang tayo"sabi nung isang lalaki sa unahan. Maliit lang ang aming oras.

Tahimik ang paligid,  walang mis isa sa amin nagsimulang magsalita, ang mga kasama ko na iba, inoobserbahan din ang paligid.

Walang kabuhay-buhay ang mga dahon at ang mga bulaklak sa paligid.Ang nga puno ay lantang-lanta na at ang mga dahon ay kakulay na ng abo. Kumapit lang ako sa braso ni Marie, natatakot ako baka may malaking ibon na dumapo sa aming harapan at kukuhanin kami.

Napabaling ang tingin ni Marie sa akin.

"Tanya maghiwalay-hiwalay muna tayo ngayon,mag-iingat ka" lumayo na siya sa akin. Ang dalawa na kasama niya ay nawala na rin.

Malayo na silang lahat, hindi masyadong kita ang paligid dahil may usok na hindi ko alam kung saan galing. Ang mga yapak ko lang sa mga dahon na nahuhulog sa mga sanga ng mga puno ang tanging maririnig sa paligid , kinikilabutan ako sa mga nakikita ko. Malaki ang buwan kaya may munting ilaw na tuma-tama sa mga puno.

Wala na akong oras, tumatakbo na lang ako. May nakita akong ilaw na galing sa buwan na saktong tumama sa isang bagay, lumapit ako sa puno at wala akong ginawa kundi inakyat ko ang puno. May isa na akong tela! Apat na lang. Makalipas ang ilang minuto nakatatlo na ako . Dalawa na lang tapos na ako. Napagod ako dahil ang tataas ang mga kahoy na doon nakatali ang mga itim na tela.

Nagulat ako dahil nakarinig ako ng kaluskos sa isang sulok sa  mga  damong  mahahaba, umatras ako, higpit na nakahawak ako sa mga tela na nakuha ko, umatras pa ko. Pinagpapawisan na ako sa aking kinatatayuan.

'panginoon ayoko ko pang mamatay, gusto ko pang makasama si Lola'

Balak ko sanang tumakbo pero nagulat dahil may malaking hayop na lumabas sa damuhan. Isang malaking oso!

Tumakbo na ako, hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngunit ayoko ko pang mahuli ng oso, mahal ko pa buhay ko!

Nagulat ako dahil may humawak sa damitan ko at inihagis ako sa may puno.

Kinuha niya pa ako at inihagis pa sa isang puno. Humawak ako sa noo ko, nagulat ako dahil may dugo.

"aray!" daing ko nang hinipo ko ang aking sugat.Hinay-hinay akong dumilat at naestatuwa ako dahil nasa harapan ko na ang malaking oso, ilang metro lang ang layo niya sa akin. Wala akong magawa dahil wala akong alam sa pakikipag-laban. Naiiyak na ako dahil ang sakit-sakit ng natamo ko. At gutay-gutay na rin ang aking damit .

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon