Tumutulo ang puting likodo galing sa muka ko hindi ko sila malabanan,hindi ko kaya mahina ako sobrang hina.
Hinila nya ang buhok ko para maiharap ako sa kanila.
"Ngayon kilala mo na kung sinong binangga mo?"
Tumango ako ng dahan dahan kasabay ng pag takas ng luha ko sa mga mata ko.
"Ngayon ang gusto ko lang naman mangyari ay ibagsak mo ang grades mo sawa na ako sa pagiging pangalawa ng dahil sayo!"
Marahas nyang binitawan ang buhok ko at nag lakad na sila papalayo.
Inayos ko ang uniporme kong lukot lukot na at ang buhok kong sabog ng dahil sa pag sabunot nya pasa at kalmot ang iba ko pang natamo dahil raw sa pag 'Bangga' ko sakanya.
Pinunasan ko ang mga luha ko na walang tigil sa pag patak.
Isa si Danicka sa mga bully dito sa School na pinapasukan ko ngayon walang kahit isa ang sumubok na ikick sya rito dahil ang mga nag rereklamo ay pinatatalsik kaya wala ng nag lakas loob pa
Wala rin akong karapatan na mag reklamo dahil isa sa mga mayayaman ang magulang ni Danicka na sumusuporta sa mga Scholars na gaya ko.
Pera nalang ba talaga ang dahilan kung bakit umiikot ang mundo nila?kung mahirap ka ay nasa ibaba ka pero ang mga may pera ay nag hahari harian.
Tumayo na ako at isinoot ang jacket na baon baon ko kanina bago pumasok, sakto naman dahil sa natamo ko kila Danicka para hindi makita nila Mama.
Hindi na ako papasok sa next subjects ko dahil ayoko na mag tanong pa sila kung anong nangyari sakin.
Pumasok na ako ng bahay namin,hindi sya kagandahan yero at flyhood ang nag sisilbing pader nito.May maliit na kusina at sala may dalawang kwarto sa taas.nakita ko si Mama na lumabas ng kusina kung saan dala dala ang mga damit na mukang titiklupin nya.
She smiled.
Nag mano ako sakanya at tinawag mga kapatid ko
"Ang aga mo yata?" nag tatakang tanong ni Mama
"Opo maaga po kasi natapos yung klase namin kaya naisipan kong umuwi na"
"Ate Allie!" sigaw ni Kiel at lumapit sila ni Klein sakin
Lumapit sila sakin at aambang yayakap,sinalubong ko sila at niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
"May pasalubong ako sainyo" biglang lumiwanag ang mga muka nila at parang excited na excited sa ibibigay ko.
"Talaga atee?" Nginitian ko sya at may dinukot sa loob ng bag ko
"Tadaaaa!" nilabas ko ang dalawang kwekwek na binili ko bago ako umuwi agad naman nilang kinuha yun at pumunta sa kusina para pag hatian.
"Baka hindi ka nanaman kumain ah" Nginitian ko si Mama at hindu na sumagot.
"Nga pala" nilingon ko sya
"May trabaho kana ba para sa linggo? Si aling Ebang kasi sinisingil na yung utang natin nung nakaraang buwan" nahihiyang saad ni Mama.
Si Mama lang ang bumubuhay saming mag kakapatid si Papa kasi ay iniwan na kami nakabuntis at mas pinili pa ang kabit nya kesa Samin,Kaya hindi ako Masisisi ni Mama kung bakit ganon nalang ang galit ko kay Papa.
Si Mama ang nag papakahirap saming mag kakapatid nag lalabandera sya dito sa baranggay namin,kada Sabado at linggo naman ay nag hahanap ako ng trabaho para mabawasan ang utang namin
Baka kasi mabaon kami sa utang kung hindi babayaran kaagad.
Kaya nag aaral ako ng mabuti para mabigyan ng magandang buhay si Mama at ang mga kapatid ko,kaya kung ano man ang gawin sakin ni Danicka ay titiisin ko makapag tapos lang ako.
"Ako na po ang bahala Ma"
Nag mano ako sakanya at umakyat na sa kwarto ko.
Lumapit ako sa maliit na lamesa,umupo ako at tinignan ang mga papel na nakapatong doon.
Hinanap ko ang nga dyaryo na may Job for hire nag babakasakaling may mapasukan ako.
FOR HIRE YAYA 5 THOUSAND WEEKLY CALL US IF YOU ARE INTERESTED CONTACT NUMBER: 09*********
Five thousand weekly?!! Seriously?!
Tinignan ko ng mabuti ang dyaryo gaano kaya kayaman ang magiging amo ko kung mag aapply ako? Kung matanggap man ako dito ay ang swerte ko na mababayaran ko ang utang namin plus masarap pa ang makakain namin ayos!
Napasabunot ako sa buhok ko nang marealized na hindi pala pwede dahil may pasok ako Tuwing Monday to Friday tsk sayang!!!
Napasimangot nalang nanghihinayang man ay nag hanap ulit ako ng iba pang trabaho na pwede.
URGENT HIRING! WE NEED JANITOR AND JANITRESS CONTACT US:09**********
Hindi na ako nag dalawang isip pa at tinext ang kumpanya na nangangailangan ng mga Janitor at Janitress.
[ Good Eve Ms.Allie see you at ******* sunday 10 Am don't be late!]
Napatalon ako sa kinauupuan dahil mag kakatrabaho na ako sa Wakas!
Pwede ko na muna pag tyagaan yun kesa naman sa wala na talaga tyaka matutulungan ko pa si Mama sa mga gastusin dito sa bahay.
May kumatok sa puntuan mabilis naman akong tumayo para buksan yun
"Bakit gising kapa Ma?"
"Wag mo na intindihin yung sinabi ko kanina Allie alam kong nakakapagod mag aral kaya ang dalawang araw na yun ay ipahinga mo na lang,mag hahanap nalang ako ng mga mag papalaba para mabayaran natin ang utang" Hinalikan ako ni Mama sa noo at umalis na.
Sinara ko ang pintuan at umupo na ulit.
Hindi naman kasi kami mayaman na kahit walang ginagawa ay nag kakapera, kailangan ko kumayod para hindi kami magutom kahit ilang trabaho pa ang pasukan ko sa isang araw ay okay lang sakin basta't wag lang kami magutom at makapag aral si Klein kung parehas kaming mag susumikap sa pag aaral ay parehas rin kaming aangat,ang kailangan lang naming gawin ngayon ay mag tiis at balang araw ay makakakain din kami ng masarap kahit kailan namin gustuhin,makakabili rin kami ng mga kailangan namin at mapapaayos namin ang bahay namin.
Ako ang Ate kaya kailangan ko mag pakatatag gaya ni Mama,sya na ang pumasan saming mag kakapatid simula nung iwan kami ni Papa alam ko na mahirap para sa kanya yun pero kinaya pa ni Mama.
Kaya kaya ko 'to,kaya mo yan Allie!
YOU ARE READING
I'm his maid(on-going)
RomancePlease read my story until the endthankyou so much!! Date started: Aug 6 2020.