Chapter 02.
Tulad ng napag usapan ay pumunta ako sa lugar na napag usapan para doon mag kita 9:30 palang ay nag aantay na ako dahil ayoko ma late mahirap na.
Habang nag iintay ay biglang pumasok sa isip ako ang for hire bilang yaya sayang 'rin yung kung tutuusin dahil five thousand weekly kung wala lang sana akong pasok kada Monday - Friday ay hindi na ako mag dadalawang isip na patulan yun tsk Tsk.
Naputol ang pag iisip ko ng may isang lalaking naka tayo sa harapan ko may dala syang papeles ag kung ano ano pa.
"Ms.Allie?" ngumiti ako bilang sagot at umupo na sya sa harapan ko.
"Kanina kapa?"
" uh no kakarating ko lang din "
"Ahh good akala ko kanina kapa, Do you want something to eat? Don't worry it's my treat" ang bait naman nya kaso nakakahiya na hindi naman kami mag kaibigan o magka close man lang tapos mag papalibre pa ako.
"Thankyou pero wag na busog ako"
Pag tapos non ay inexplain nya na sakin ang magiging trabaho ko magiging janitress ako kada 10am to 10pm kada Saturday at Sunday.
Pag tapos ng usapang yun ay nag hiwalay na kaminv dalawa,napag desisyonan ko nang umuwi at sabihin kila Mama ang magandang balita.
Nag lalakad lang ako pauwi dahil malapit lang naman yung bahay namin sa meeting place,habang nag lalakad ako ay may nakita akong nag titinda ng Kwekwek huminto ako at bumili para sa mga kapatid ko at pag tapos non ay umuwi na ako.
"Ma?" Hinahanap ko sila Mama dahil kanina ko pa sila hinahanap sa buong bahay at wala padin sila.
"Ate allie!" hinihingal na sigaw ni Kiel
Lumuhod ako para makapantay ko sya
"Asan si Mama Kiel?" Nag hahabol padin sya ng hininga na para bang ang layo layo ng tinakbo nito.
"A-ate si Mama kila Aling Ebang" hindi ko na sha inintay na mag salita dahil mukang may nangyayaring hindi maganda.
Tumakbo ako papunta kila aling ebang at nakita ko si Mama na lumuluhod sa harapan nya at hinahampas hampas nya si Mama para lang tumayo.
"P-pakiusap wag mo nang sabihin kay Allie 'to babayaran kita" nanginginig na yung boses ni Mama lumapit na ako sa kanila para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.
" Ma" Unti unti syang tumayo at tumingin sa kinatatayuan ko kita ko ang mga mata nya parang galing sa pag kakaiyak.
"Ma anong nangyayari? Bakit ka nakaluhod sa harap ni Aling Ebang?" Hindi sya sumagot at nakatingin lang sakin,lumipat ang tingin ko kay Aling Ebang na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Aling Ebang bakit po?" inirapan nya ako.
"tanungin mo yang nanay mo at gusto nanaman ata madagdagan ang utang nyo tssk"
Marahan kong hinawakan ang kamay ni Mama at nginitian ito para sabihing okay lang na sabihin nya sakin kung bakit,kilala ko si Mama hindi sya basta basta nag kakaganito kung walang dahilan.
"S-si Klein kasi s-sinugod namin kanina sa hospital dahil ang taas taas ng lagnat nya,mang hihiraman sana ako kay aling ebang ng pera kasi ayokong ipaalam sayo yun dahil dagdag gastusin nanaman ayoko maging pabigat sayo k-kaya nakiusap ako kay Aling Ebang na wag nang ipaalam sayo."
Tumayo ako sa pag kakaupo at pumunta ng kusina para bigyan si Mama ng tubig nandito na kami ngayon sa bahay para makapag usap ng maayos.Nilapag ko sa harap nya ang tubig At agad nya namang ininom yun.
"Ma okay lang naman na sabihin mo sakin tyaka kapatid ko si Klein kaya tutulong talaga ako".
YOU ARE READING
I'm his maid(on-going)
RomancePlease read my story until the endthankyou so much!! Date started: Aug 6 2020.