Pagdating namin sa loob ng parking lot sa condo namin ni Zye pinagbuksan pa talaga ako ni Hugh bago niya kinuha mga pinamili ko sa likod ng sasakyan niya at nang kukunin ko na sana lahat nag offer na naman siya na ihatid ako kahit hanggang pintuan lang daw ng unit namin kaya pumayag nalang din ako
Naging tahimik lang kaming dalawa habang paakyat sa unit namin Zye pagdating namin sa harapan ng unit
"Dito ko nalang ilagay Lana ha?" Tanong niya habang binaba niya lahat ng mga pinamili ko sa may gilid ng pintuan
"Sure, thank you talaga ha" and I smiled at him
"Sige mauna na ako!" nakangiting sabi niya sa akin
Aalis na dapat siya nang naisipan kong imbitahin nalang siya na kumain pambawi nalang din sa ginawa niya sa akin for today
"Dinner perhaps? Magluluto ako" first time kong mag imbita ng ganito, first time ko din magluto para sa ibang tao usually si Apollo nilulutuan ko eh
"Nako wag na, nakakahiya naman sayo" sabay kamot sa ulo niya ganito ata talaga siya kapag nahihiya kinakamot niya ulo niya
Ang cute lang talaga
"Sige na, take it as my pambawi sa lahat ng ginawa mo for me today, please?" Sabi ko habang nagpapacute sa kanya
sana naman pumayag ka kasi nahihiya na ako sa ginagawa kong to
"Oo na, just stop doing that kind of face, i can't say no to it" sabi niya sabay kurot niya sa cheeks ko at kinuha ulit yung mga pinamili ko
Did he just pinched my cheeks?!
Ng matauhan ako binuksan ko na din ang pinto at pumasok kami nilagay ko bag ko sa may couch habang siya ay nilagay niya sa dining table yung mga pinamili ko at dahan dahan ko na ding inayos mga pinamili ko
"You got a nice unit by the way" sabi ni Hugh habang tumitingin siya sa paligid
"Thanks, you want something to drink ba?" Tanong ko sa kanya nang pumunta ako sa fridge para ilagay yung mga binili kong frozen products
"No I'm good lang Lana, are you staying here ba with someone?" Tanong niya sa akin habang tumitingin dun sa mga pictures na nasa living area
"Yes, I'm staying with one of my girl best friends" sagot ko lang sa kanya at pasimple ko na din siyang tinitingnan kung ano ginagawa niya habang nilalagay ko mga canned goods sa cabinet na nasa itaas
"Please feel at home lang Hugh ha, if you want to watch netflix or something, just turn on lang the tv the remote is somewhere there lang sa mini table" sabi ko habang naghahanda na ng iluluto ko tsaka ako ngumiti sa kanya
"Sure thing Lana, thank you though" at ngumiti lang siya sakin
Hindi ko na siya pinansin after at hinayaan ko nalang siya sa kasi nag focus nalang ako sa niluluto ko, this is a first para magluto ako for someone I just met. Well, he's not just someone naman din, he's my freaking crush so it's okay
Habang hinihintay ko maluto yung niluto kong sinigang, pasimple akong tumitingin sa kanya and he was just busy sa phone niya pero nabigla ako ng tumingin siya sa gawi ko kaya umiwas ako ng tingin at umarte na parang ichecheck ulit yung niluluto ko
"Ano ba niluluto mo Lana?" Nabigla ako ng nasa likod ko na pala siya at tumitingin na din sa niluluto ko
Tangina, kalma lang Lana, yung puso mo

BINABASA MO ANG
His Unsaid Notes
Romance[ O N G O I N G ] Apollo Slevin Uy, a guy who can't admit his feelings, found himself writing it through a song for his bestfriend, Allana Calypso Herrera, until finally, he had the couraged to tell her about the song that is especially made for her.