Rules and Regulations

21 1 0
                                    

•Isang akda lamang ang maaaring i-submit. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasa ng dalawa o higit pang akda.

•Ang akda ay nararapat na naisulat sa wikang Filipino o English. Maaari ring Taglish.

•Maaaring ipasa ang akda kahit na hindi pa ito tapos ngunit kinakailangan ay lumampas ito sa siyam na kabanata o higit pa.

•Magkakaroon lamang ng dalawampung slots kada genre.

•Sa unang yugto ng SSAwards2020, ang naunang limang kabanata lamang ng iyong akda ang aming babasahin. Siguraduhing kapana-panabik na agad ang mauunang chapters ng iyong akda.
-Doon pipili nang Best In *Genre* Awards.

•Sa ikalawang yugto ay masinsinang babasahin ang mga akda upang mapili kung sino sa mga manlalahok ang mananalo ng Most Spectacular Story Award, First Place, Second Place, at Third Place.

•Kapag hindi napuno ang ibang slots ay ilalagay ang mga natitirang slots sa mga genre na nangangailangan ng mas maraming slots.

•Sa September 7, 2020 o mas maaga pa ay isa-isang ilalagay dito ang mga akda para sa People's Choice Award. Ang akda na may pinakamaraming votes ang tatanghaling panalo.

•Makukuha ang SSA Supporter Award nang kung sino ang may pinakamaraming maime-mention sa librong ito. Matatanggap ang gantimpala pagkatapos isarado ang registration. Tatlo ang magwawagi ng award na ito.

•SSA2020 Criteria for Judging:

Content- 50%
+Creativity/ Originality- 30%
+Grammar/ Writing Style- 10%
+Book Cover- 5%
+Overall Impact- 5%
=Total of 100%

Mayroon ba kayong mga katanungan? Sasagutin natin 'yan sa mga susunod na part. I-comment lamang dito ang inyong mga katanungan.

Spectacular Story Awards 2020 [OPEN]Where stories live. Discover now