"Sa'yo ko na lang papagawa Chapter 2 ng RRL," matamlay na sabi ng kaklase ko sa akin.
"Terrence ano ba naman 'yan, bakit hindi na lang hati-hatiin? Bakit ako na naman? Kalahati na yata ng RRL sa'kin niyo pinagawa," sagot ko.
Umagang-umaga ay nasisira ang araw ko nang salubungin ako ni Terrence sa hallway. Nagmamadali na kasi ang group namin na ayusin ang thesis dahil nilaglag kami ng instructor namin sa harap ng panel. Ang sabi niya, maayos na raw at walang mali. Maayos naman ang naging defense namin. Kaya lang pagdating ng Methodology, may nakitang butas ang mga panel at doon na nagsunod-sunod ang tanong nila.
"Kapag kasi mas maraming gumawa ng RRL, baka magkapare-pareho," sambit niya.
Tanginang 'yan. Excuses.
"Pwede mo namang isama si Ruby at Christpoher sa paggawa," dugtong niya.
Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Ano? Si Ruby at Christopher? 'Yung magjowa naming kagroup? Para niya na ring sinabi na ko na lang mag-isa ang gumawa.
Si Ruby at Christopher 'yung kaklase naming nagviral sa FB dahil "nagrereview" raw sila ng sabay while being sweet. Somehow, the people in Facebook saw it as "goals" since magjowa and Engineering pa both. While it may seem sweet para sa mga normie sa FB, sa totoo lang hindi naman sila nagrereview. Sa tingin ko nga ay ginamit lang nilang props ang blueprints for their picture. Alam ko masama ang manghusga pero kilala ko kasi talaga sila, wala silang pakeelam kung bumagsak silang dalawa. Feeling siguro nila it's them against the world.
"Miguel, sige na. Ikaw naman gumawa ng draft at naghanap ng materials. You know this better than anyone else," wika niya.
" 'Yun na nga eh, ako na naman. Paano naman 'yung iba nating kagrupo, magkakagrades nang walang ginawa," sagot ko.
Maski ako ay naguguluhan kung tatanggapin ko ba ang pinapagawa niya. Ang hirap naman kasi, kapag ako gumawa, ako ang kawawa. Kapag pinagawa ko naman sa kanila, ako ang masama. Isa pa, hindi ko masisiguradong maayos ang pagkakagawa kapag sa kanila ko iniwan 'yan. Tiningnan ko ang itsura ni Terrence na mukhang nagmamakaawa.
"Sige na, send mo sa'kin 'yung gawa nung iba. I will send it tomorrow," sabi ko.
Bigla na lang umalis si Terrence. Puta, wala man lang pasalamat. Siya leader nito pero pinapasa sa'kin mga gawain. Walang kwenta.
Pagpasok ko sa room ay wala pa namang klase. Kung ano-ano pa ang ginagawa ng mga kablock ko.
"Dude, Xylo tayo this weekend," aya ni Carlo sa amin.
"Sus, gusto mo lang makita 'yung crush mong atenista eh," sagot ni Derek.
"Atenista na ba? Anyare sa dun sa taga Lozol?" tanong ko.
Si Carlo ang pinakabata sa aming tatlo, youngblood, kumbaga. Hindi ko ba alam dito, type na type 'yung mga conyo. Pakiramdam ko ay naiinlove siya everytime na magsalita 'yung babae ng "pero like can you make kuha that".
"Pare diba kaibigan ni Krysta 'yon? Hindi ka ba invited?" tanong ni Carlo kay Derek.
"Oo kinwento niya nga sa'kin at isasama niya nga raw ako. Alam ko, sabi raw ng kaibigan niya basta mag-invite ng marami. Gusto mo ba sumama?" pang-iinggit ni Derek kay Carlo.
"Are you kidding me? Of course, sasama ako! Gago is this legit? Anong gusto mo? I can buy you lunch for the rest of the school year." sagot ni Carlo.
"Tanga, I have money to buy my lunch for the rest of the year. How about be my slave for the rest of the year?" sabi ni Derek.
"Tangina mo, di mo naman sinabi na you have a thing for BDSM, yikes," pang-aasar ni Carlo.
Napuno ng tawa ang room habang ako ay inaayos pa rin ang mga files para madali na lang gawin mamaya. Gusto ko na rin kasing tapusin para wala na akong gagawin bukas.