C1

20 1 0
                                    

Mahirap ba talaga maging masaya? Bakit kailangan laging may hadlang para lang makamit mo iyon.

" Hey are you okay? " tanong sakin ni Juno na nakangalumbaba sa harap ko.

" Yes I am. I am just thinking how to be happy without a barrier? " I asked him.

" Alam mo ang drama mo girl. Kung ako sayo enjoy ka lang, sumabay ka lang sa agos dahil pag hindi ka sumabay mahihirapan ka mag hanap ng paraan para makabalik sa agos. " he replied then he left me looking at nowhere.

No, he's wrong. I am the one who can manage my life. Hindi ako pwedeng sumabay lang sa agos. Dahil alam kong may mga bagay akong pag sisisihan sa huli dahil wala akong ginawa.

" Juno let's go. Baka magalit na naman si Mama at Papa. " he looked at me smiling then he mouthed that he needs 5 more minutes. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Bahala na kung mapagalitan ako. Nandito kami ngayon sa birthday party ng classmate namin na si Ajie, she invited us so pumayag na kami dahil birthday naman niya.

Nagulat ako ng may humawak ng kamay ko si Juno pala, " Saine tara na. Nag text na si tito at tita, yari daw tayong dalawa. " takot na tugon niya sakin. Whatever, hindi pa ba siya sanay sa mga magulang ko? Sana naging magkapatid na lang kami ni Juno para masaya.

Nagpaalam kami kay Ajie at nag pasalamat kami. Pumara kami ng tricycle at nasa loob kami parehas ni Juno. Malapit lang namam to sa Village namin kaya okay lang na mag tricycle kami. Bumaba kami sa gate ng village dahil hindi allowed ang mga sasakyan na walang ticket ng Village.

" Saine pwede bang ikaw na lang mag bayad? Naiwan ko pala wallet ko sa bahay. " naka ngiti niyang sabi sakin. Scam talaga tong tao na to, pero no choice kaya nag bayad na ako kahit alam kong may dala naman talaga siyang pera.

Habang nag lalakad kami naisipan ko mag tanong kay Juno. " Juno tingin mo tunay akong anak nila mama at papa? " tumaas naman ang kanyang kilay ng makita ko ang kanyang mukha.

" Ano bang pinag sasabi mo ha Saine? Malamang anak ka nila, halata naman sa mukha mo e. Alam kong sa lahi natin walang pangit. " sabay tawa niya. Sabagay tama siya, may hawig daw ako kay mama at papa kaya hindi daw maitatanggi na anak nila ako.

" O pano ba yan papasok na ako sa bahay? " sabi niya. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Tumango na lang ako sa kanya at nakipag apir. Makatapat lang ang bahay namin nila Juno kaya pag kailangan ko ng kausap siya yung natatawagan ko agad.

Pag pasok ko pa lang sa gate ay sumalubong agad sa akin si chibby, my one and only dog. Mahalaga sa akin si Chibby dahil siya ang dahilan kung bakit ako naka move on.

Binuhat ko siya at pumasok na ako sa loob ng bahay. Walang tao sa sala, natutulog na siguro sila. Ngunit nagkamali ako ng marinig ko ang boses ng aking kapatid.

" Bakit ngayon ka lang? Anong oras na a. " mataray niyang tanong sakin habang nasa hagdan. Siya ang kapatid ko na si Sabby mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon pero hindi niya ako tinatawag na ate.

" Nag enjoy pa si Juno e. Alangan naman na iwanan ko siya? " walang gana kong sagot sa kanya. Hindi na siya sumagot, tumayo na lang siya at nag lakad paakayat papunta sa kwarto niya.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at ibinaba si Chibby sa lapag. Iniiwan ko naman na may siwang ang pinto ng kwarto ko para madali siyang makakalabas if ever na gusto niya dumumi. Half bath na lang ako dahil antok na antok na ako at ginawa ko rin ang skin care routine. Mabilis akong nakatulog dahil na rin sa antok.

Similar ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon