C3

9 0 0
                                    

Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko pero bago ko ito sagutin ay tumigil ito. Tiningnan ko at hindi naka register yung number.

Sino naman kaya ito? Bahala siya kung sino man siya. Bumangon na ako at naligo para pumunta sa cafe.

" Sainel, hija kumain ka muna bago ka umalis. " ani ni Ate Beth.

" Hindi na po Ate Beth. Mag da-drive thru na lang po ako kasi bi-bilhan ko din po yung mga staff ko. " sagot ko.

" Sige ikaw ang bahala, ingat ka na lang sa pag mamaneho. " paalala ni Ate Beth.

Nagpasalamat ako sa kanya at sumakay na sa kotse. Sa MCDO na ako nag drive thru dahil malapit lang ito sa cafe.

" Anneya kumain muna kayo bago tayo mag open. " inabot ko kay Anneya.

" Salamat po Ma'am Sainel. Kayo po kumain na?" iling lang ang sinagot ko dito. " Okay lang po ba Ma'am kung sabay sabay na po tayo? Para naman po hindi kayo mag isa kakain." dagdag niyang sabi.

" Sige, magandang ideya yan Anneya. " sagot ko at dali daling kinuhanan ng bangko. Napuno naman ng kwentuhan at tawanan ang aming lamesa habang kumain. Parang gusto kong ganito kami lagi.

Habang akala ako sa pag che-check ng mga stocks namin ay nag ring ang aking cellphone. Nanlaki ang mata ko dahil muntik na malaglag yung cellphone ko. Hindi ko napansin na naipatong ko pala sa karton.

Unregistered number, sino kaya ito? " Good Morning. Who's this? ......Hello? .... Will you please speak? " bakit ba ayaw magsalita nito? Ibababa ko sana ang tawag ng may mag salita sa kabilang linya.

" Hi Izz. " yan pa lang ang naririnig ko sa kabilang linya ay natigilan na agad ako. No, it can't be. Paano niya nalaman yung number ko? " Izz? " tawag nito ulit sakin.

" Ryo? " bakit pa ba ako nag ta-tanong, boses pa lang niya at pag tawag sa akin ay kilala ko na.

" Yes it's me Izz. Can we meet? " pag kumpirma niya na tama ang aking hula. Pero nasa America siya a. Paano ko siya  ime-meet? " Nandito na ako sa Pilipinas. " pahabol niya na akala mo ay nababasa ang katanungan sa aking isipan.

" For what? " sagot ko agad.

" Wala lang...... gusto lang kita makita. Masama ba? " malungkot niyang sabi.

Nakaka konsenya ka naman to. " Hindi naman. " sagot ko. " When ba? " tanong ko.

" Tomorrow? " mabilis niyang sagot.

" Noted. Where and what time? " pwede naman sigurong iwan ko muna itong cafe.

" Sa Cardi, 3 pm. " sakto malapit lang dito sa cafe.

" Okay. So.... see you there, bye. " hindi ko na siya hinintay na sumagot, binabaan ko na siya ng tawag.

Nagulat ako ng mag vibrate ang cellphone ko.

Unregistered

[ See you. ]

Kinabahan ako bigla noong mabasa ko yung text ni Ryo. Ano bang kailangan niya? Bakit siya makikipag kita? 5 taon na wala siyang paramdam tapos tatawag siya at gusto agad makipag meet?

Natapos ang mag hapon ko sa cafe ng hindi ko namamalayan. " Anneya, uuwi na ako. Kayo nang bahala mag sara ng cafe, mag iingat kayo pauuwi. " paalala ko sa kanya.

" Ingat din po kayo pauwi Ma'am. " naka ngiti niyang sabi.

Bago ako sumakay sa kotse ay tumunog ang cellphone ko. Sino kaya ang nag text?

Sabby

[Sissy pabili naman ako ng doughnuts, bayaran ko na lang dito. Love you. ]

Similar ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon