C2

14 1 0
                                    

" Ma'am Sainel nag punta po pala si Ma'am Sabby dito kanina. " bungad sakin ng staff ko sa cafe. Nilagpasan ko na lang siya dahil narinig ko na naman ang pangalan ng kapatid ko.

Nag punta ako sa office ko at umupo. May sarili na akong cafe shop at dito ako nag ta-trabaho. Iniipon ko ang mga kita ko para mabayaran ko na si Papa sa perang hiniram ko sa kanya pampatayo ng cafe ko.

I went to the cashier and check the money. Tumaas ang kilay ko dahil 1000 ang kulang sa pera.

" Mars " tawag ko kay Marsina na abala sa pag pupunas ng mga lamesa.

" Bakit po Ma'am? " tanong niya agad pagkapalit.

" Bakit kulang ng 1000 to? Nakita ko sa computer na 5300 ang total dito bakit sa kaha 4300 lang? " nagulat naman ito sa tanong ko.

" Ma'am akala ko po alam niyo na nag punta si Ma'am Sabby dito kanina may kasama po siya 5 po ata yun. Then sabi po ni Ma'am Sabby alam niyo daw po na pupunta sila dito at libre niyo daw po ito. " nalilitong sabi niya sakin " Tatawagan ko nga po sana kayo Ma'am kaso sabi niya tulog pa daw po kayo at wag ng abalahin dahil baka magalit daw po kayo sa akin. " dagdag nito. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya at sumenyas na ipag patuloy na niya ang ginagawa niya.

Sinabihan ko na ang mga impleyado ko na pag pumunta ulit si Sabby ay tawagan agad ako at hintayin bago nila bigyan.

Tinawagan ko si Sabby pero hindi niya sinasagot yung tawag ko kahit text nga hindi nag re-reply.

Habang abala ako sa pag titingin ng facebook ko may nakaagaw ng pansin ko. Post iyon ng magaling kong kapatid.

Sabriel Carsico (1 hour ago)

Thank you guys to supporting my Cafe. I hope you enjoyed our food and drinks. I love you all :*

May pictures pa nga sila, ang kapal talaga ng mukha ni Sabby. Salamat siya because she is my sister.

I heared a knocked on my door and I saw Mars. " Ma'am Sainel pwede po ba na umuwi po ako ng maaga? May sakit po kasi yung anak ko, hinatid po ng teacher niya sa bahay. " malungkot na sabi nito.

" Sige no problem, manguha ka na lang ng cake sa ref at iuwi mo. Sabihin mo kay Andrei na magpagaling siya. " sabi ko. Nagpasalamat siya bago umalis. Lumabas ako para mag bantay sa counter.

Pag dating ko sa counter narinig kong may sinisigiwan yung isang customer. Lumapit ako para tingnan at tanungin kung ano ang nangyari. Nakita ko na staff ko ang sinisigawan ng customer.

" Ang tanga tanga mo naman, kape na nga lang ise-serve mo hindi mo pa mai serve ng ayos! Alam mo ba kung magkano tong suot ko ha? 10 thousand pesos to, at hindi mo to kayang bayaran! " nang gagalaiting sigaw nito sa staff ko.

My staff keep saying sorry sa kanya at umiiyak pa siya. Sa loob ng isang taon na pinapatakbo ko itong cafe ni minsan hindi pa siya pumalpak o may nagawa man na mali.

Lumapit na ako ng tuluyan dahil sa pinag sasabi ng customer. " Anneya, anong nangyari dito? " tanong ko sa staff.

" Ma'am Sainel hindi ko naman po sinasadya na tapunan siya ng kape. May tumisod po kasi sakin Ma'am e. Yung babae po na yun. " she pointed to the women behind me.

Hinarap ko naman yung customer, " Good Morning Sir, I am Sainel the manager and owner of this Cafe. " I offer my hand but he just look at my hand. Binaba ko na lang yung kamay ko dahil sa hiya.

Similar ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon