Memories #16

72 10 12
                                    

AN: Happy Valentine's day! Mapasingle, in a relationship o complicated. Enjoy lang, wag maging bitter like me. Hahahaha.

xxxxxxxx

CHAPTER 16

Nagdesisyon akong umahon na lang pagkatapos akong iwan ni Seth. It just a date - iyon ang sabi nya pero hindi pwede dahil alam kung may maaapektuhan at iyon ay si Paul. Okay lang naman sakin yun kung friendly date lang, pero hindi dahil iba ang nararamdaman ni Seth sakin.

Nang makaahon na ako ay agad kong kinuha ang hinubad kong damit at dumeretso na sa cottage. Napahawak ako sa braso ko nang maramdaman ang init na tumatama sa balat ko at dahil din sa ihip ng hangin.

Pinagmasdan ko ang buong paligid ng resort. Napakaganda talaga nito, ang daming mga puno ang nakapaligid, tanaw din ang magandang mga bundok sa di kalayuan, maganda rin ang pagkakadesenyo ng bawat cottage, may mga upuan sa paligid at may mga makukulay na mga payong. Sa may di kalayuan naman ay may malaking nakaukit na rebuldo na nakasulat ang pangalan ng resort.

Nakarating na ko sa cottage namin at kinuha ang tuwalya ko para punasan ang basa kong katawan. Naalala ko na naman si Paul. Nasaan na kaya siya ngayon? Saan sya pumunta? Galit kaya sya sakin dahil sa ginawa kong pagreject ng tawag nya? Nakita ko rin kung paano nagkuyom ang mga kamao nya kanina at kung paano kumunot ang noo nya ng sabihin may manliligaw ako.

Hindi ako napakali sa kakaisip sa kanya kaya kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Wala man lang ni isang text doon si Paul. Tawagan ko kaya sya? Pero baka hindi nya lang sagutin ang tawag ko. O kaya ay maistorbo ko pa sya sa ginagawa nya, baka sa trabaho nya sya ngayon sa mommy nya pumunta. Pero, sabi nga pala ni Julie ay nakilala nya si Paul dahil isa sya sa mga supplier ng dad nya dahil lagi nyang nakikita ito sa office. Baka naman di na saamin nagtratrabaho si Paul at ibang business ang pinaguusapan nila, isa pang supplier ng company nina Julie.

Isinuot ko kaagad ang dress ko at kinuha ang mga gamit ko. Ang gulo. Sobrang gulo. Sa lahat ng mga may business dito ay kayna Paul pa ang napiling supplier sa business nina Julie. Co-incident lang ba yon dahil bakit kasi may relate pa? O baka naman talagang malaking kampanya ang negosyo nina Paul. Tsaka bakit Mister Shades ang tawag ni Julie kay Paul?

Naglakad ako ng mabilisan papunta sa tinutuluyan namin ni Julie. Magsh-shower na ko dahil wala na naman ako sa mood magswimming. Ang dami kong iniisip.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko sa di kalayuan si Paul na nakasandal sa may pintuan ng kwarto namin. Hindi sya nakatingin sa pwesto ko kaya di nya alam na nakatingin ako sa kanya. Nakayuko lang sya habang nasa bulsa nya ang mga kamay.

Nakaramdam naman ako ng relief ng makita ko sya. Lahat ng pag-aalala ko ay nawala. Ilang oras na kaya syang nakatayo doon?

Dali akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko at unti-unti nya rin na akong niyakap. Hinaplos nya ang mahahaba kong buhok.

"Sorry, Paul. I'm sorry"

Yakap yakap ko sya habang sinasabi ko ang mga iyon. idinikit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya at siniil ang mukha ko sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya at gustong gusto ko rin amoy amoyin pabangong gamit nya.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong nyang iyon sakin

Hindi ko sya sinagot at tiningala sya. Nagtama ang mga mata namin na ramdam na ramdam ko sya.

"Love, is it true?"

Nakatitig ako sa kanya at umiling. Kahit hindi nya sabihin kung ano yung tinutukoy nya kung alin ang totoo ay alam kong iyon ay tungkol kay Seth.

Memories (JulQuenFOREVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon