ii.

1 0 0
                                        


" HYUNSUK? " i whispered on my self, ewan ko kung narinig niya ako dahil tumingin siya sa akin at tumayo agad sa kinakaupuan niya

" Railey! " tawag ni Kyu kay Railey na siya naman kinagulat ng ilang customer sa Hub at napatingin kay Junkyu, wala talagang hiya 'tong lalake na 'to.

Habang papalapit ako sa lamesa kung saan nandoon si Junkyu at si Hyunsuk- na server ng treasure hub?

" Mauna na ako Kyu, enjoy your food " umalis rin agad si Hyunsuk pagkaupo namin at hinainan kami ng tig-iisang cheesecake

" Let's start na, hanggang 5 lang ang paalam ko kay mama " nilabas ni Railey ang libro niya at nilapag iyon sa lamesa

" Bakit kasi hindi ka nalang rin mag-dorm? isipin mo yung hassle everyday na mag
c-commute ka pa diba? "

Syempre as expected, they argue again for a while and nagsimula na ring turuan ni Railey si Kyu. I decided to put my earphones on and go to another vacant seat and rest my head on the table.

" where do we go wrong
i know we started all alright,
where do we go wrong
i swear we knew we last this time "

HYUNSUK

" Why is she here? "

Yan ang unang tanong na pumasok sa utak ko when i saw Luna entered the Hub.

" Why didn't you tell me that Luna will be here too? " inis kong tanong kay Kyu, he just shrugged his shoulders

" Bwisit naman " i cussed on the air

" Mauna na ako Kyu, enjoy your food " umalis rin ako matapos ko silang hainan ng cheesecake.

Bumalik na ako sa trabaho ko. I don't know why i feel intimidated samantalang kanina lang ang saya saya ko pa. Feeling ko nakatingin sa akin ng masama si Luna. Geez. She gives me goosebumps.

After an hour, tumingin ako sa paligid ko para hanapin si Luna. Dalawang bakanteng lamesa ang layo niya kanila Railey. Mukhang tulog kaya hinayaan ko nalang.

" Tatlong order nga ng Americano " tatlong lalake ang sumulpot sa harap ng counter, mukhang mga siga pa. Tinanguhan ko nalang sila at binigay ang card number.

" Bastos! "

Lumabas agad ako sa stock room ng marinig ko ang sigaw ni Luna. Naka palibot sa kanya yung tatlong lalake kanina. Sabi ko na eh! mukhang mapapaaway ako ngayon

" Don't you dare to touch me again or else hihimas kayo ng rehas ! " sigaw ulit ni Luna, hindi nagpatinag yung isang lalake sa kaliwa niya and leaned his face on Luna, nasampal siya ni Luna pero kwinelyuhan agad nung lalake si Luna!

Hindi na ako nakapagtimpi at lumapit sa kanila, si Junkyu tinago sa likod niya si Railey, as if naman si Railey ang kawawa!

" Let go of her, gago ka ba? " tinulak ko ang lalake sa sahig na may hawak kay Luna

" Ayos ka lang ba? " humarap ako sa kanya at inayos ang kwelyo ng uniform niya

" Hindi ka ba pinalaki ng tama ng mga magulang mo oh kulang ka lang sa pansin ha? " hinubad ko ang apron ko at tinapon yon sa mukha ng lalake na nasa may sahig

" Aba, matapang pala 'to eh "

LUNA

" Bitawan mo siya! " hinampas ko sa ulo ng lalake yung tray na nakita ko, hinawakan niya si Hyunsuk eh!

" Hoy Luna! Gaga ka ba? " sigaw sa 'ken ni Railey na nasa likod ni Junkyu

Riot na 'to.

" Aba, matapang ka ren? " the last boy standing hold at my wrist, umikot naman ako para pilipitin ang kamay niya at tadyakan siya sa may tiyan niya, swerte na siya hindi matigas yung sapatos ko ha!

Nakita ko nalang na hinila nung lalake na humawak sa legs ko kanina si Hyunsuk pahiga sa sahig, ang akward tingnan pero bahala na-

" Isa ka pa, manyakis! kulang sa aruga! " pinukpok ko sa ulo niya ang tray na hawak ko kanina ng dalawang beses dahilan para bumagsak siya sa sahig- my eyes widen when i stared for 10 seconds on the floor.

Shit ka Luna! Nakapatay ka ata ng tao!

" K-Kuya- gising! hoy! " umupo ako sa sahig at tinapik ang mukha nung lalake na manyakis

" Hoy, Luna, tumayo ka nga jan " hinila ako ni Hyunsuk patayo at hinarap sa kanya

" May masakit ba sa- "

" Sa tingin mo ba namatay siya? " nag aalalang tanong ko at tiningnan ulit ang lalake sa sahig habang yung dalawan naman namimilipit sa sakit

" Omg Luna! Gaga ka talaga! " hinampas ako sa braso ni Railey and check my whole body

" It seems like he's already dead? Anong gagawin ko? Makukulong ba ako neto??? " I panicked and sniffs, bakit kasi parang hindi na siya humihinga! Paano kung patay na nga !?

Hyunsuk held at my face and look straightly in my eyes, pinunasan niya rin ang luha ko

" Don't worry okay? Hindi mo siya napatay? maybe he's out of consciousness lang kasi ikaw ba naman paluin ng tray na stainless ng dalawang beses? " sabay kaming napatingin sa lalaki na umungol sa sakit, he's awake!

" Wala bang comeback na mangyayari- "

" Kyu, iuwi mo na silang dalawa pabalik ng dorm " nang mapansin ni Hyunsuk na nakahawak pa rin siya sa mukha ko ay nag-sorry agad siya at lumayo sa akin

" Uuwi ako kay mama ngayon, hindi muna ako mag s-stay sa dorm " sabi ni Railey, epal lang Shin Railey? Paano pala ako?

" Sige na, i can go home with myself, ilang blocks lang ang layo ng dorm dito, mas kailangan ni Railey ng hatid mo Junkyu " tiningnan ako ng masama ni Railey-

" Sure ka? Paano ba yan Railey, tara uwi na tayo! " hinila agad ni Junkyu si Railey at naglinis ng mga gamit nila sa lamesa tsaka nag b-bye sa 'ken.

" Lumabas na kayo o tatawag pa ako ng pulis para umalis na ka- "

" Hindi na kami babalik dito! Sana malugi 'tong café niyo! "

Natawa nalang kami habang pinapanood yung tatlo na lumabas ng Hub.

" Ayos ka lang ba Luna? Wala bang masakit sayo? " i just shrug my head " ikaw, your lips are bruised, upo ka, gagamutin ko "

kinuha ko ang mini first aid kit ko sa bag ko at umupo sa may harapan ni Hyunsuk, kawawa naman kung hindi ko gagamutin diba? ako rin naman may gawa kung bakit may sugat siya eh, bakit naman hindi ko gagamutin?

no feelings intended. mag dodoktor-doktoran muna kami.

Habang ginagamot ko siya, i can feel his eyes following my gaze. Feelingero talaga 'to kahit kailan.

" No feelings intended Mr. Choi, ayoko na magkautang ng loob sayo kaya ginagamot kita " sabi ko at nilagyan ng band-aid ang sugat niya. Mukha na siyang gangster HAHAHAHAHA-

" Salamat, Ms. Hamada " he smiled at me, asa pa siya na ngingitian ko siya pabalik.

━─━──༺ note !༻──━─━

song title : LANY - 13

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Iced Coffee ᎒ C.HSWhere stories live. Discover now