"Grabe naman sobrang init! Tapos ang tagal pa ng babaeng yon. Sasabunutan ko na talaga yon pag dating niya dito anong oras na din oh almost 7 A.M na sobrang tagal talaga." naiinip na sinabi ni Pahaliah.
"Buti dumating kapa Maxine? Ang sabi mo papunta kana pero parang minadali lahat ah? Halatang puyat teh, ah? Hindi mo ba alam na kanina pa ako naghihintay dito sa stasyon ng tren?" O.A na sinabi ni Pahaliah kay Maxine.
"Sorry, Paha kinakabahan kase ako sa introduce yourself mamaya nag practice panga ako magsalita habang naliligo eh kaya ako natagalan pasensya kana," mahinhin na sinabi ni Maxine.
"Huwag ka ngang kabahan ang dali dali lang niyan kinakabahan kana diyan may mas mahirap pa tayong gagawin diyan hindi lang yung bagay nayan."
"Ayan na yung tren Maxine tara na mahuhuli na tayo sa klase."
"Maxine tabi nga t-tay.. At sino namang nerd na lalaking to na umagaw ng uupuan ko," nagtatakang sinabi ni Pahaliah sa kanyang isipan.
"Pagbigyan mo muna Paha, chill lang first day of school pa naman pagbigyan mona huwag pairalin ang galit Paha, chill huwag maistress masyado maganda yung umaga huwag papangitin," ani ni Maxine kay Pahaliah.
"Hoy, Maxine napansin mo ba yung katabi mong lalaki kanina sa tren?" wika ni Pahaliah.
"Oo, bakit crush mo na agad? Ayiee," saad ni Maxine na nakangiting tono.
"Hindi tanga ka ba? Napaka ungentleman lang naman kanina alam mo ba? Nung na sa tren tayo kanina tatabi sana ako sayo kaso hindi ko na trip tumayo and guess who kung sino umagaw ng uupuan ko? Yung nerd na katabi mo pero dahil maganda yung umaga ayokong sirain. Hinayaan ko nalang pinagbigyan ko," saad ni Pahaliah kay Maxine na may confident.
"Nandito na tayo sa campus sana makisama sa akin yung araw ngayon,"kalmadong wika ni Pahaliah.
"Maxine pang ilang floor na ulit yung room natin? '4th floor???!" naiiritang tanong ni Pahaliah kay Maxine.
"Sobrang layo naman ng room natin tapos ang dami ko pang dala na libro bakit parang ayaw makisama sa akin ng araw ngayon. Arrrgh!" saad ni Pahaliah na may malungkot na muka at dali daling umakyat papunta sa kanilang room.
"Sawakas! Nasa 4th floor na rin."
"Bakit ang tagal ni Maxine mahuhuli na talaga kami nito sa klase eh," galit na wika niya.
"Aa-ray!! (At sino naman tong hindi tumitingin sa daanan eh ang lawak lawak) Ikaw?!! Ikaw nanaman? Buong akala ko hindi na kita makikita pa. So anong balak mo tititigan mo lang ako dito? Hindi mo talaga ako tutulungan?" galit na sinabi ni Pahaliah kay Leandro.
"Tch," sabi ni Leandro at diretso lang sa paglalakad.
"Wow ang galing at tuluyang iniwan ako dito siya nangang nakabunggo tapos ganon pa umast-.. (at sino namang yung lalaking to na hinawakan kamay ko)" tanong ni Pahaliah sa kanyang isip.
"Miss, kaya mo ba? Tulungan na kita diyan sobrang dami naman ng mga librong dala mo sobrang talino mo siguro," sabi ni Jayden kay Pahaliah.
"(Hala bakit ka namumula Paha, huwag kang malandi) Uy, hindi naman masipag lang magdala ng mga libro hehe," tugon ni Pahaliah kay Jayden habang namumutla ang kanyang mga pisngi.
"Teka nga pala napano ka, tsaka bakit nahulog lahat ng dala mong libro? Anong nangyari?" sabi ni Jayden na parang nag-aalala.
"May isang lalaki lang naman na hindi tumitingin sa kanyang dinadaanan. Pero okay na ako buti nga hindi ako nasaktan," tugon ni Pahaliah.
"Grabe naman yung lalaking yon."
"Gusto mo bang ireport natin ngayon sa principal?" sabi ni Jayden.
"Hindi na salamat."
"Tsaka parang ayon lang sa principal office agad natin irereport. Tsaka salamat nga pala sa tulong mo," wika ni Pahaliah na namumutla.
"Anytime. Jayden Ferrer nga pala," sabi ng binata.
"Pahaliah Moon nga pala," tugon ng dalaga.
"Wow! ang gandang surname ah Buwan hahaha. Nice to meet you Pahaliah," medyo gulat na sinabi ng binata.
"You too, Jayden hehe."
"Oh papano mauuna na ako Pahaliah sa susunod mag-iingat kana ha?"
"O-o, salamat ulit sa pagtulong," uutal-tal na sinabi ng dalaga.
"Huy, teh anong nangyayari sayo? Bakit ka namumutla?" medyo pasigaw na tinanong ni Maxine.
"Wala! At bakit ang tagal mo? Mahuhuli na tayo sa klase," masungit na pagkakatanong ni Pahaliah kay Maxine.
"Kase nakalimutan ko yung libro ko sa locker ko," mahinhin na tugon ni Maxine kay Pahaliah.
"There's no need to explain tara na!"
BINABASA MO ANG
We're Written In The Stars.
Teen FictionThere's a mysterious boy named Leandro who has a personality that can't explain. He's just a simple guy, no friends and always been alone. And there's a girl named Pahaliah who's crazy as hell but very intelligent when it comes to schoolworks and i...