Part 02: Ang Pagtutuos

19 3 2
                                    

"Grabe talaga ang mga nangyari sa akin ngayong araw Maxine ang daming negative presence ang nararamdaman ko ngayon tapos sumabay ka pa."

"Luh, teka bakit ako?" tanong ni Maxine na may O.A na muka.

"Gusto mong sabihin ko pa ba yung mga dahilan ng pagkahuli natin sa klase?" sabi ni Pahaliah.

"Oo, tulad ng?"

"Nung hinintay kita sa stasyon ng tren na sobrang tagal mo tsaka ngayon yung dito hinintay nanaman kita dito ng pagka tagal-tagal. Hindi lang pala ikaw ang sumira sa araw ko ngayon meron pa," sabi ni Pahaliah kay Maxine na naiirita.

"At sino naman yon Paha?" tanong ni Maxine.

"Naalala mo yung lalaking nakatabi mo sa tren diba?"

"Oo, yung cute na may salamin?" tugon ni Maxine kay Pahaliah na nakangiti.

"Nandito nanaman siya at siya ang dahilan ng pagkahulog ng mga libro ko. Wala talagang respeto ano? At alam mo kung ano ang mas malala sa ginawa niya?"

"Ano naman yon?"

"Siya nanga mismo yung nakabangga sa akin tapos parang siya pa yung galit. Buti nalang nandiyan si Jayden para tulungan ako," mahinhin na sinabi ni Pahaliah kay Maxine.

"Sinong Jayden?" tanong ni Maxine.

"Jayden Ferrer." tugon ni Pahaliah sa tanong ni Maxine.

"Nako. Paha, mag-iingat ka sa Jayden na iyan playboy yan tsaka marami kang makaka-agaw na babae diyan," pagbabanta na sinabi ni Maxine kay Pahaliah.

"At bakit,,," nanglaki ang mga mata ni Pahaliah ng makita niya ang lalaking matangkad na nakasalamin na nakatayo sa harap ng bisara at sabay sabi ng. "IKAW?!!" pasigaw na sinabi ni Pahaliah.

Nagulat ang lahat ng nasa loob ng klase ng may marinig na malakas na boses.

"Iha. Ang aga-aga sumisigaw ka ngayon sa loob ng klase ano ba ang problema mo iha?" tanong ng guro nila Pahaliah.

"Ay, maam late na po kase kami kaya ganyan po yang kaibigan ko pasensya na po maam pasensya na rin po kung late kami sa klase ngayon hehe," nahihiyang sinabi ni Maxine sa guro nila.

"Osige mga iha maupo na kayo."

"T-thank you, maam," uutal-utal na tugon ni Maxine sa guro nila at umupo na sila sakanilang upuan.

"Pahaliah bakit ka sumigaw ng malakas? Tsaka yung mata mo bakit nanlilisik yan?" tanong ni Maxine kay Pahaliah ng mahinhin.

"Nasa harap lang naman yung isa sa sumira ng araw ko ngayon," ani ni Pahaliah na parang may katunggali.

"Hala, Oo nga yung cute na lalaki sa tren," sabi ni Maxine na parang kinikilig.

"Kaylan pa naging cute yan?!" tugon ni Pahaliah na galit.

"Maam, meron pa pong hindi nagpapakilala yung dalawang babae sa likod," ani nang isa nilang kamag-aral.

"nandito na tayo Maxine huwag kang kakabahan," nakangiting wika ni Pahaliah.

"Um, h-hello guys.. My name is Maxine, Maxine Smith you can call me guys Max," nauutal na sinabi ni Maxine sa harap.

"Pwede bang crush nalang tawag ko sayo? HAHAHAHA," sabi nang isa nilang kamag-aral habang humihiyaw ng malakas.

"Class be quite hindi pa tapos magpakilala kaklase niyo." sabi ng kanilang guro.

"T-thank you,," nauutal-tal na binigkas ni Maxine at umupo na sa kanyang upuan.

We're Written In The Stars. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon