Ikalawang Tagpo

62 4 4
                                    

Dahil sa nangyari, nawalan na ako ng gana kumain kaya bumalik na ako sa pinagtatrabahuhan ko.

Halos limang minuto rin akong naglakad na mukhang nanlilimos sa itsura ko. -_-

~Baby's Sweet Shop~

"Oh? Anyare sayo? Nagtampisaw ka pa ata sa chocolate fountain ah? Sosyal lunch mo!" salubong sakin ni Chef Gillian. Ang baklang may pinakamalaking tiyan na katrabaho ko rin.

Tss. Magkakulay ba ang chocolate at putik? Parang hindi naman. Tingin ko kulay tae ang chocolate. Kulay paso ang putik.

Tinabig ko na lang siya at tinungo ang lababo para hugasan ang kamay ko at ayusin ang sarili ko.

Saktong wala akong baon na damit kaya sinuot ko na lang ang apron ko kahit putikan ang damit ko.

Tang'na kasi yung Mamang Bigotilyo na yun eh. Asar.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sinimulan ang paggawa ng cake.

Sabi kasi nila pag nagluluto ng masama ang loob, masama din ang kalalabasan kaya ganun din sa pagbe-bake.

Mahirap na. Maglasang sama ng loob 'to matanggal pa ko sa trabaho.

Mga 30 minutes bago ito natapos at design na lang ang kulang.

"Pame, eto na yung ilalagay sa cake. Gandahan mo ah. Big time ang nagpapagawa niyan te! Gwapo na mayaman pa!" litanya ni Keesha habang pinapaypay sa mukha ko yung maliit na papel kung saan nakasulat yung ilalagay sa cake.

Tss. "Oh talaga? Dapat ba may pake ako sa background ng customer?" kinuha ko yung papel na ginawa niyang bandera at binasa ang nakasulat dito.

"Sunget neto. Ikaw para kang laging meron. Tatanda ka niyan. Sayang beauty mo niyan." Ehh?

"Ewan. Daldal mo. Lumayas ka dito bago ko desaynan yang muka mo."

Hindi ko na siya hinintay umalis at sinimulan ko na lang ang pagtatrabaho.

Sinulyapan ko ulit ang nakasulat sa papel na dapat mailagay sa cake.

Happy Anniversary Rudy!
I love you so much babe..

- Brix

Pfft.. Ang daming alam ng mga tao. Pumapag-ibig. HAHAHA.

Tatawa tawa ako habang inilalagay sa cake ang nakasulat sa papel. Pero nagtaka ako ng nandun na ako sa pangalan ng nagpagawa nito.

Brix? Tapos Rudy?

....

....

....

HAHAHA. Gwapo nga, bading naman pala. Wala din. Engot talaga si Keesha. Palibhasa kahit poste atang damitan gwapo sa paningin niya eh.

Pinagmasdan ko ulit ang cake na ginawa ko. Mukhang masarap naman. Paldo nga lang ang dedication.

Sayang lahi ng dalawang 'to. Natatawang sabi ng isip ko.

Maingat kong inilagay sa kahon ang aking obra saka ito nilagyan ng ribbon para mai-deliver na nila.

Pagkatapos ay nagpaalam na ako para umuwi.

Sa paglabas ko ng Baby's Sweet Shop ay pinagtitinginan nila ako dahil sa yung t-shirt kong kanina puti, ngayon dirty white na. Literal na DIRTY. Tsangena.

Habang nag aabang ako ng jeep pauwi ay may nagtatawanang mga unggoy sa gilid. Tinignan ko naman sila ng masama kaya nanahimik sila.

"Tawa tawa kayo jan mga supot naman kayo! Bugbugin ko kayo eh." Tss. Sigaw ko kaya sila nagsitakbo.

Badtrip!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon