This story has no plot. Aksidente ang pagkakagawa nito. XD Gusto ko lang talaga i-release yung badvibes ko nung araw na napublish ko yung first part nito. Kaya kung magulo at malayo sa title yung story edi sorry na. :D
-Barbierra143
Mr. Bigotilyo's POV
"IKAW?!" sabay pa kaming nagulat nang makita ang isa't isa.
Siya lang naman yung maangas na babaeng paharang harang sa kalsada na akala ko magpapakamatay na.
"Putang ina mo! Babasagin ko mukha mo pag nagkita pa tayo!" Naiiling na lang ako na natatawa pag naaalala ko ang sinabi niyang ito.
Akalain mong siya din pala yung gumawa ng palpak na cake na inorder ko?
"Oh. Suicidal girl!" I smirked and looked at her from head to toe. Binigyan niya naman ako ng death glare. "Ikaw pala yung engot na gumawa ng order ko?"
Nakita kong halos umusok ang ilong niya sa sinabi ko.
"ENGOT?!" hinawakan siya ng dalawang katrabaho niya dahil parang susugurin niya ako. Tch. Ang tapang talaga ng isang ito.
Para bang hindi babae kung umasta. At sa tulad kong gwapo, nakakaturn off siya.
"Oo engot!" nang dahil sa katangahan niya ay napagkamalan pa akong baklang manggagamit at manloloko. -___- "Nang dahil sa'yo, nagbreak kami ng girlfriend ko. Alam mo ba 'yon?"
Napakunot ang noo niya na para bang hindi niya alam ang sinasabi ko.
"Hoy. Mister Bigotilyo! Sinigurado kong masarap, maganda at maayos ang trabaho ko kaya hindi ko alam kung anong sinasabi mo! Kaya bago mo ako tawaging engot eh ipaliwanag mo muna kung anong problema mo!"
Hah! Ayos din siya eh. Hindi niya talaga alam kung anong ginawa niya?
Kinuha ko ang resibo kung saan nakasulat ang dapat na nakalagay sa cake at idinuldol ito sa mukha niya.
"Hindi ko alam kung hindi ka marunong magbasa o tanga ka lang talaga." sabi ko kaya binasa niya ulit ang nakasulat dito.
Kita kong bahagyang namutla at napalunok siya. Siguro ngayon ay nalinawan na siya sa kapalpakan niya.
Pero saglit lang ay kumunot nanaman ang noo niya.
"K-kasalanan ko bang.. Ang panget ng sulat mo?!"
What the?! >_<
"What?!" napaatras naman siya sa sigaw ko. "Ako pa ang sinisi mo sa katangahan mo?!"
Badtrip talaga tong babaeng to. Wala siyang pakialam kung sinong kinakalaban niya eh.
Ako si Brix Fernando Gonzales. Rich. Successful. Gwapo. May abs pa! San ka pa?
Pero nang dahil sa kanya, isang malaking alas ang nawala sa kumpanya! -___-
Ruby Chua. Anak siya ng may-ari ng kalaban ng company namin kaya ang nakita kong way para pabagsakin o makuha sila ay ang syotain ko siya.
Okay na sana eh! Napasagot ko na. Sa gwapo ko ba naman eh hindi ko pa tinatanong um-oo na.
Pero dahil sa panget daw ang sulat ko este dahil sa engot na babaeng to nakipagbreak siya sa'kin. Tinawag pa akong bakla. =__=
And now ako pa ang sinisisi niya!? Aba. Matinde.
"Hindi mo alam kung anong nawala sa'ken. Dahil lang sa palpak na cake mo!"
Sasagot pa sana siya ng biglang may dumating na medyo may edad na babae. Tattoo na lang ang kilay nito at mukhang matrona.
Nagpalipat lipat muna siya ng tingin sa'ming dalawa ni suicidal engot bago siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
Badtrip!
RandomMay mga pangyayari talaga sa buhay kung saan mapapapunyeta ka na lang. Badtrip! PS: May mapaglabasan lang ng sama ng loob. Walang pakialamanan. :D