A/N: Finally! I finally be able to post this story. Pero ang nakakalungkot ay mabagal ang update. Medyo magiging busy na rin kasi ako dahil may online classes na hahaha.
Still, I want your full support on this one. Please, help me gain more readers. I just want my story to reach everyone. It really motivates me kapag marami akong natatanggap na reads or votes.
Super thankyou in advance!!
-niknik-
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 1: Runaway From Him
"CARISSA, ARE YOU OKAY?" Rinig na rinig ko ang emosyonal na boses ni Asy. Ngumiti lang ako bagaman nakapikit pa rin. So I'm still alive, huh?
Dahan-dahan kong sinubukang imulat ang aking mga mata. Malabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan itong luminaw. Tiningnan ko ang paligid. Isang malaking kama ang kinasasadlakan ko ngayon. Hindi ko kilala kung kaninong kwarto ito ngunit alam kong naroon ako ngayon sa palasyo.
Ang huli kong natatandaan ay tinadtad ako ng saksak ni Lion sa dibdib. Ramdam na ramdam ko ang sakit at pamamanhid ng katawan ko no'n. Nakakapagtakang buhay pa ako. At hindi lang 'yon, marami akong nakaligtaang mga pangyayari.
Pilit ngiti ang isinukli ko kay Dasy. Ang ganda na ng kaibigan ko ngayon, sa totoo lang. Maganda naman siya noon pa pero sadyang iba lang ang ganda niya ngayon. Parang palagi siyang kailangang ingatan at alagaan. Malakas rin ang presensya niya at kinukuha ang galang at respeto ng lahat ng makakakita sa kanya.
"Ilang araw akong natulog, Asy? Anong nangyari? Nasan yung iba?" Sunod-sunod kong tanong. Ngumiti lang siya sa akin ng matamis saka ako niyakap.
"It's not just days, you've been sleeping for three months already. Akala ko mawawala ka rin sakin, Isa." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"T-Three months?" Gulat na sabi ko. Tumango lang siya sa akin. Napabuntong-hininga ako.
"We won, Carissa. Wala na ang nga Valdemar. Wala ka nang dapat pang ipag-alala." Tiningnan ko ng matiim si Asy at mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Ngumiti nalang ako at tumango.
"I see." Maikling sabi ko. Ramdam ko ang pagsasalubong ng kilay ko. Tatlong buwan akong tulog? Parang ang tagal naman yata? Sa tingin ko kasi mga ilang araw lang. Well... "Kumusta sina Hansel, ayos lang ba sila nina Shan at Ryd?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango naman si Dasy. "Si C-Clark, ayos lang ba?" Nakagat ko agad ang labi ko nang maitanong ko nga 'yon. Pasaway na bibig.
Pero nag-aalala talaga ako eh.. Kainis.
Nangunot ang noo ko ng mawala ang ngiti ni Dasy. Parang binambo tuloy ng kaba ang dibdib ko. May masama bang nangyari sa kanya?