CHAPTER 2

2 0 0
                                    

CHAPTER 2: The Girl Who Hates Her Life

Carissa's Point of View

HINDI KO kailanman nagustuhan ang buhay na meron ako. My mother and father are both drug users and dealers. Mahal ko sila. Kahit pa hindi maintindihan ng mura kong isip ang mga ginagawa nila, mga magulang ko sila at kailangan ko silang intindihin.

Kahit pa nasasaktan na ako, hindi ko kailanman sila magagawang suwayin. Alam kong masamang hindi makontento sa buhay na binigay sa kanila pero minsan ay napapaisip nalang ako. How does it feel to live in plain happiness? How does it feel to be a normal kid?

Hindi normal ang buhay ko. Sa maagang edad ay hindi na ako inosente sa kawalanghiyaan ng mga magulang ko. But still, I love them both, dahil sila ang mga magulang ko.

"Isa, ba't ang tahimik mo?"

Napangiti nalang ako ng marinig ang boses ni Asy. Ang pinakamatalik na kaibigang masasabi ko. Sa totoo lang ay hindi madaling makuha ang tiwala ko. Lumaki ako na hinuhusgahan lahat ng galaw ng tao sa paligid ko. Pero may ilan rin naman akong kaibigan kagaya nalang ni Asy na katabi ko ngayon. Kahit na sobrang daming bagay ang hindi niya alam tungkol sakin, hindi niya pa rin ako iniwan.

"HAHAHA! Pagsesenti ang tawag dito, Asy." Malakas kong sabi. I'm really great at this. Acting like I never had a problem. Acting like there's no second in my life that I feel sad.. when in fact my whole being shouts otherwise.

"Huh? Ba't ka naman nagsesenti? Broken hearted ka ba?" Tanong niya. Nangunot naman ang noo ko. Porke nagsesenti , broken hearted agad? Resulta yata 'to ng kagagahan niya kay Luke eh.

"Hinde. Maiba lang. Napagod na ang bibig ko kakabuka eh." Pagdadahilan ko.

"Ah ganoon ba? Nasan nga pala sina Emir? Kasama niya ba ang asawa ko?" Napangiwi ako ng marinig ang salitang asawa sa bibig niya. Kebata pa, ang harot na. Ewan ko ba, matino naman ang mga magulang nitong si Asy eh. Siya lang ang hindi. Ampon kaya 'to?

Si Luke ang tinatawag niyang asawa. Lakas ng trip ng kaibigan ko. Kahapon lang eh halos pumarada na siya sa buong baryo namin habang isinisigaw na siya raw ang magiging asawa ni Luke. Lakas ng tawa ko kahapon.

"Nag-aaral sila Asy."

"Hah?"

"Hahwot." Sabi ko. Ngumuso naman siya at inirapan ako. At dahil ang pangit niya umirap, inirapan ko rin siya. "May group presentation sila, sa bahay ni Luke sila naggagawa." Sabi ko. Natigilan siya habang nakatingin sa akin saka ngumawa.

"Waah! Isa, kasama ba ng asawa ko yung Jena na 'yon? Hindi siya pwedeng makipag-usap do'n! Samahan mo ako, bes. Baka lapitan niya ang asawa ko!"

Napakamot nalang ako ng ulo.

"S-Sige..--- "

"Carissa!"

Natuyuan ako ng lalamunan ng marinig ang boses ni Itay. Tiningnan ko si Asy na nakanguso pa rin. Nagpeace sign nalang ako sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Sige na nga! Next time nalang, Isa." Kaway niya sa akin.

Nakagat ko agad ang dila ko ng pumasok ako sa bahay. Inihanda ko na ang sarili ko.

"Saan ka galing?! Hindi ba't sabi ko ay wag ka nang lalabas ng bahay?!! Hindi ka na ba talaga makikinig samin?"

"Aray!" Daing ko ng kaladkarin ako ni Tatay papunta sa kusina.

"Ayan! Maghugas ka ng pinggan! Wala ka nang nagawang matino!!" Isinubsub niya ang ulo ko sa mga maruruming pinggan.

Napalunok nalang ako sa takot at saka hinugasan ang mga pinagkainan nila. Hindi naman kasi nila ako pinapakain ng tatlong beses sa isang araw. Depende lang kasi kung may tira sila.

Loving the Masked VampireWhere stories live. Discover now