01

19 3 2
                                    


DISCLAIMER :

- This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

- Sorry in advance if there will be a typographical or grammatical errors. Please bare with me this is my first.

- Not edited and I will only do a 'proofread' when I finish the series.

- The series are not connected to the models on the cover.

- May contain LANGUAGES and MATURE scenes that are not suitable for children.

- Enjoy reading, Saitars!



**

"Huy, may isasali raw sa club, ibibigay sa 'tin 'yung form mamaya kung gusto natin o hindi."


Club nanaman? Punong-puno na 'yung listahan ng sasalihan namin. I nodded and continue reviewing. Lagi naman may quiz 'pag i-memeet namin 'yung bwisit na prof na 'yon. Charot.


"What's up, mga bruha!" Pasigaw na bati ni Ira na akala mo napakalayo niya. I rolled my eyes, still my attention was on the book. She sat down beside me, nandito kami sa pinakataas ng bleachers, dito kasi malamig tsaka dito rin naman lagi kami pumepwesto.


"Tangina mo, Ira. 'Di mo 'ko inintay?!" Pagdadabog ni Ella. Nagulat pa 'ko dahil natamaan ako sa balikat nung binato niya 'yung libro.


"Tangina mo, Raegan Estella." Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit kasi kailangan pa 'kong idamay! Natawa lang siya at inagaw 'yung cup kay Autumn na ang laman ay siomai.


"Sungit mo ngayon ha, problema mo?" Sambit ni Autumn sa 'kin. Problema ko? Ewan ko!


Stress na 'ko dito sa binabasa ko tapos ang ingay pa nila! Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko, hindi sila pinansin.


Hinayaan ko silang mag pikunan doon at pamaya-maya ay tumigil na sila. Tahimik lang kaming nag rereview nang bigla kaming hinawakan ni Ira, nakangiti pa ang bruha.


"Dongs, may pogi."


Agad kaming napalingon sa mga lalaking kakaupo lang sa bandang gitna ng bleachers.


"Putangina," Ella whispered at napahawak pa sa dibdib niya, kinakalma ang sarili dahil ang pogi nga naman ng mga yon!


"Akin 'yung nakaclean cut."


"Akin 'yung nag sasalita."


"Akin 'yung tumatawa."


Hindi ko alam ang sinasabi nila pero napako ang tingin ko sa lalaking nakapahalumbaba sa sandalan. Nagulat pa 'ko nung nalaglag ang librong hawak niya kaya pinulot niya 'yon. Nang mapulot niya, hinawi niya ang buhok niya.


Tangina niyo, ang pogi


Tangina ni Autumn dahil nag kunwaring nabato 'yung I.D niya sa gawi nila! Agad tumayo si Autumn at nakangiting bumaba ng bleachers hanggang sa gawi ng mga lalaki.


All of them look at her but their gaze turned into ours. Nanlaki ang mga mata ko nung tinignan ako ng pisting poging lalaki.


I smiled at him pero binalik niya agad 'yung tingin sa harap kung saan nandoon ang mga kaibigan. Kinilig amp.


Dead from The Past (Runway Series #1)Where stories live. Discover now