03

10 1 0
                                    


"N-no, it's okay haha!"


Agad akong bumitaw dahil ramdam na ramdam ko  'yung init ng palad niya sa bewang ko. I go back on our table and get my things na hindi halatang nag mamadali ako. Hindi ata nakita nila Ella ang nangyari dahil kakwentuhan nila sila Ian.


Tumayo na rin sila at nag paalam kila Zach. Tumango lang ako nung nag paalam sila sa 'kin.


"Hoy, sem-break na bukas! Tara na Versus!" Naririnig ko na ang magic word habang nandito kami sa sasakyan papunta sa condo namin ni Ella.


"GG!" Pag-oo naman ni Ira na nagda-drive. Um-oo na rin ako dahil malulugmok lang kami ni Ella sa kwarto namin dahil wala naman na kaming gagawin.


"Huy, anyare sa damit mo?" Turo ni Ella sa damit ko. "Wala, natapunan." Sabi ko at 'di na rin siya nag tanong ulit, um-oo nalang.


"Aray! Dahan-dahan naman!" Reklamo ko dahil ang sakit mag kulot nitong si Autumn! Sinasadya pa ata. "Ikaw talaga sisisihin ko kapag nasira buhok ko!"


Pag katapos ako ikulot nitong punyetang Autumn, sinuot ko na 'tong white one shoulder top na crop top tapos high-waisted pants. Nag suot na rin ako ng black heels kahit medyo matangkad na 'ko.


"Wow, sexy!" Ira surveyed my body. Nakawhite bralette lang siya at high-waisted pants. Nakawhite heels din siya.


"Luh, ako hindi?" Sumimangot si Autumn na nakapolka-dots na see-through at black spaghetti strap sa panloob. Nakaheels din ang gaga dahil siya lang ang maiiba 'pag 'di nag suot ng heels.


"Boba," Ella rolled her eyes. Crop top na white off-shoulder naman ang suot niya. Nag suot din siya ng White heels at black skirt.


Mukha kaming pupunta sa patay sa totoo lang!


"Mga gago kayo, iba't ibang theme ba ng funeral pupuntahan natin?" Umirap si Ira.


"Hayaan mo na, maganda naman ako. Tara na!" Sinukbit na ni Autumn 'yung shoulder bag niya at sinukbit ko na rin ang akin.


Pag dating namin doon, um-order agad sila ng isang ramsbury, dalawang belvedere at tatlong heineken. Hindi ko alam pero pang-dito lang talaga kami.


"Bilis!" Nilagay ni Ira 'yung shot glass sa harap ko. Kinuha ko 'yon at nilagok agad tapos uminom sa heineken dahil hindi ko talaga nagagandahan 'yung lasa ng ramsbury!


Inikot niya muna ng ilang beses 'yung shot glass sa aming apat bago napagpasiyahang mag laro. Nanatili lang kami rito ni Ella dahil hindi naman kami mahilig sa ganon.


"Oh, talo ka. Inom!" Sambit niya dahil natalo ako sa jack en poy.


Tinapat niya sa bibig ko 'yung bote ng belvedere dahil nagfa-five seconds kami kapag may matatalo sa 'min. Plano kasi naming ubusin 'to nang 'di namamalayan dahil ubos na 'yung heineken.


"1... 2... 3... 4... 5." Pag katapos ay inayos ko ang upo ko pero nahihilo na 'ko. Mataas ang alcohol tolerance ko pero naubos din kasi namin 'yung ramsbury eh!


"1... 2... 3... 4... 5, HAHAHAHAHHAA!" Tumawa ako nang matalo si Ella. Kanina pa kami ganito pero ala pa rin sila Autumn! Ubos na lahat wala pa rin sila.


"Punyeta kayo, ubos na?!" Tanong niya. Medyo naiintindihan ko pa naman siya kahit napipikit pikit na ang mata ko.


Um-order pa siya ng dalawang ketel one at plano ko sanang kunin ang isa sa kamay niya pero tinuro niya 'ko.


Dead from The Past (Runway Series #1)Where stories live. Discover now