My Fairy Tale #2

43 3 0
                                    

“Ma’am maayos na po ang lahat.” Anang ni Aling Rita, siya ang caretaker ng resthouse.

“thank you po” pagpapasalamat ko sa kanya  inabutan ko sya ng isang sobre na naglalaman ng tip. Ayaw nya pa sana itong tanggapin pero di narin sya nakatanggi

Wala paring pinagbago ang resthouse.Malinis parin tulad ng dati.Graduation gift ito sakin dati nila mommy at daddy. We spent Christmas here a year before they passed away. Kahit na hindi kami laging bumibisita dito ay marami paring masasayang memories ang nabuo dito sa bahay

I went upstairs to check the rooms… ako ang nago-occupy ng master’s bedroom. Kulay pula at gold ang motif ng kwarto. It looks like a royal room. Pinasadya talaga ito ni mommy at daddy. I can still remember how happy I am when they brought me here after my graduation.

Nang madaanan ko ang kwarto ng parents ko, memories of their smiling faces kept running on my mind.

I cooked my dinner alone. Puno ang ref tulad ng ibinilin ko kay Aling Rita. Matinding argumento pa ang pinagdaanan namin ni Kuya Levi para lang payagan nya akong mag-istay mag-isa dito sa resthouse. He kept on insisting that I should have bodyguards. Sa haba haba ng pag-uusap namin di rin nya ako natiis at pumayag na. Walang nakakaalam ng resthouse na ito malibang kay Kuya.

After having a supper I went up to my room. I lit all the scented candles at isa isang hinubad ang aking mga damit. I relaxed myself on my tub. Tahimik ang buong paligid.

Naranasan mo na bang malungkot pero di mo naman alam ang dahilan?

Yung tipong magigingsing kana lang isang araw na parang may kulang sa buhay mo.

Nasa isip mo na wala namang nagbago

Ganyan di ba?

Sa sobrang paulit-ulit ng ginagawa mo akala mo  walang nagbabago.

Pero kapag binalikan mo na yung nakaraan, mapapansin mo nalang na madami na palang nawala o naidagdag sa buhay mo…

Aanhin ko ba ang malaking bahay, stable na trabaho at kinikilalang pangalan kung nag-iisa lang ako

Napatayo ako mula sa pagkakababad ng buong katawan ko sa bathtub. Ang tub ko ay napapalibutan ng scented candles, lahat nang mga ito’y nakasindi at tanging dimlight lamang ng aking banyo ang nakabukas. Sinuot ko ang roba at hinipan ko lahat ng kandila. Paglabas ko ay bumungad sakin ang tahimik kong kwarto na tanging malamlam na ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag.

Napakalaki ng kama na kung tutuusin ay pwedeng humiga ang anim na katao dito.

Pula ang wallpaper ng kwarto ko gayun din ang kama. Color black and gold naman ang lahat ng kagamitan

Naglakad ako palabas sa aking Teresa at malamig na dapyo ng hangin ang agad na bumungad sakin. Napayakap ako sa aking sarili at tumingala sa langit. I see nothing but emptiness…

I used to do this… kahit sa bahay namin sa manila kung saan lagi akong nagpapahangin sa teresa and everytime I looked up, the skies looked lively with the sparkling stars and a dreamy moon. Pero iba ngayon, there’s nothing but emptiness. Tulad nang kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

“No stars..no moon..” bulong ko habang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na dapyo nito sa aking balat

Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa batok

Goosebumps?

Why?

Biglang may matigas na braso ang pumulupot sa aking katawan

“Time to wake up my princess, your worst nightmare is here” anang ng baritonong boses na bumulong sa tenga ko. His voice dominate me, parang musika ito sa aking pandinig pero di ko maiwasang matakot dahil alam kong siya ang taong matagal ko nang hinahanap at pinagtataguan.

 I sense trouble parang gusto kong mag panick.

 It can’t be, paano nya ako nasundan dito?

 Bago pa man ako nakapiglas ay tumakip sa ilong ko ang isang panyo at may naamoy ako na aking ikinahilo , bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat narinig ko syang muling bumulong

“Your fairy tale will be ended now”

My Ended FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon