13

321 4 1
                                    

"Hey, Hianna!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Voliona. Nag angat ako ng tingin sa kaniya, ngumiti naman ito sa akin. "Tara na, may tatlong oras na 'lang tayo."

tumungo na lamang ako bago niligpit ang aking mga gamit. Pinag titinginan kami ng ibang tao dito sa library dahil sa sobrang ingay ng aking kasama.

Tumayo na ako ng maayos ko na ang aking mga gamit at nauna ng mag lakad.

"Hoy hintay!" Sigaw nito.

I smiled shyly, mabuti na lamang at hindi kami naririnig ng librarian dahil nasa second floor kami. Ghad, this is stressful.

"So... How's the first day? Feeling ko ang sungit ng mga kablock natin alam mo 'yon?" Nag taas pa ang kilay nito.

"Yeah." Well, totoo naman. Kaunti 'lang ang nakasama namin kanina pero iba na agad ang atmosphere, but it's kinda cool, I hate noisy.

Hindi nag tagal nakalabas na kami ng school. Pasalamat na lamang dahil madaming coffee shop malapit doon.

"What's your order?" I asked.

Pumunta na kami sa table at ibinaba ang aming mga gamit. Good thing I manage to read, hindi naman pala ganoon kaingay itong si Voliona when it comes to school, reading rather.

Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang kaniyang telepono. Nag angat ang tingin ko sa kaniya ng tumayo ito.

"Sandali 'lang, ha? Tumatawag si Tita, eh." I nodded.

Pinag masdan ko s' ya hanggang sa makapasok ng comfort room. Akmang ibabalik ko ang aking atensyon sa aking mga binabasa ng marinig ko ang isang lalaking nag salita...

"Caspian! Dito!"

Humigpit ang hawak ko sa aking codal ng maalala ang pangalan na iyon...

Caspian. Napaka daming Caspian sa mundo.

I bit my lower lip. Tumingin ako sa lalaking papalapit sa grupo ng kalalakihan na tumatawag sa kaniya.

Walang buhay ang mga mata nito at para bang pasan pasan ang mundo. Ilang sandali pa ng makarating ito sa kanilang pwesto, malakas na batok ang nag welcome sa kaniya.

"Kanina ka pa namin hinahanap, Caspian! Malay ba namin kung napano kana."

Caspian...

Torn Again (Again Series #5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon