102

317 3 1
                                    

"Hainna, party 'to. Bakit naka simangot ka?" Ani Voli. Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga round table dito sa party na inihanda ng lower batch para sa aming lahat...

"Hindi ako sanay sa ganito." Pag amin ko.

Hindi naman talaga ako sanay na pumunta sa mga ganitong klaseng lugar. Pag umaalis ang mga ka-block namin hindi din ako sumasama dahil... the heck ang dami kong babasahin. Ayaw kong unahin ang pag wa-walwal kesa sa grades ko.

"Parang hindi babae, ay oh!" She exclaimed. I just rolled my eyes.

Kanina pa ako kating-kati sa suot ko. I am wearing a-what the fuck is this?

"Hoy! Nandyan na!" Ani Voli sabay siko sa akin.

Masama ko naman siyang tinignan. Ano ba itong babae na 'to, kanina pa, hindi na natahimik.

Umismid na lang ako at inabot ang inumin na nakalagay sa lamesa. Inamoy ko muna ito.

"Hindi yan Marijuana... huwag mong singhutin." Ani Voli sabay tawa. Anong akala niya sa akin? Walang alam sa mundo?

Fuck, Sometimes I hate being competitive.

"Watch me, huh?" Tinaasan ko siya ng isang kilay bago ininom ang lahat ng alak na nakalagay sa hawak hawak kong baso.

After that, I throw her deadly glares.

Bahagya kong kinagat ang dila ko ng makaramdam ng pait mula sa aking bibig pababa sa lalamunan. Bigla na lamang nag init ang paligid. Pati ang ulo ko, nag iinit.

"What the heck, Hainna!" Sigaw ni Voli sabay tawa.

I rolled my eyes and wipe my lips. Mabuti na 'lang at hindi ako nag lagay ng kahit ano sa labi ko, kung hindi po-problemahin ko pa.

Huminga na 'lang ako ng malalim bago kinuha ang aking pouch. Should I text him? No.

Itetext ko na 'lang si Avianca na sunduin ako... kung hindi ko na kayang umuwi mag isa.

"Ohh." Ani Voli.

Hindi na ako nag abalang mag taas ng tingin. Kinalikot ko na ang aking telepono habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Voli.

"Ohh! Nag dalawang isip ako, akala ko hindi ikaw 'yan Caspian!" She said.

Natigil ako sa aking ginagawa.

damn, ang lakas ng epekto.

"Hello, Voliona." Anito.

I bit my lower lip. Kung hindi air-conditioned ang hall na ito, baka kanina pa ako pawis na pawis.

"Hello, Caspian! Si Hainna ba ang hinahanap mo?" Ani Voli, tumatawa. "Ayan oh, kanina pa bad-trip, akala niya ata hindi ka susupot."

then they laughed.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaharap ako sa screen ng cellphone ngunit ang buong atensyon ko ay nasa kanilang dalawa. Parang gusto kong lamutakin ang bibig ni Voli.

"Really?" Ani Caspian, nangungutya.

gusto ko 'lang naman matahimik.

Do I... like him? This is new to me. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Baka masyado lang talaga akong napalapit sa kaniya kasi... tinulungan niya ako noong mga oras na wala akong pwedeng makapitan.

"Oo! Real na real!" Si Voli. Tumayo ito sa kaniyang upuan. Gusto ko siyang pigilan at mag makaawa na wag akong iwan ngunit ayaw ko naman mag eskandalo. "Sige na, una na ako! doon na ako sa dance floor!"

And then she left me.

with him.

"N-nandito ka na pala..." Usal ko.

Nag taas ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko itong naka kunot ang noo habang nakatingin sa damit ko.

Nakaka conscious!

"Ah? may problema ba?" Tanong ko ng makitang kahit sa pag-upo niya ay hindi parin matanggal ang tingin niya sa akin.

He shake his head. "You look beautiful."

Oh fucking shit.

"T-thankyou." Usal ko, naiilang.

Ngumiti naman ito.

Damn, bakit ako naiilang sa lalaking ito?

"I like you... so much." Anito.

I stood still.

Bakit niya ginagawa sa akin 'to?

Sumabay pa ang alak sa aking katawan. Mas lalo lamang akong nahilo dahil sa mga salita niyang alam kong wala namang kasiguraduhan.

Hindi ako nag salita. Ngumiti na lamang ako sa kaniya.

Naging tahimik kami noong una. Ngunit noong nag tagal tagal, ako na ang nag simulang mag tanong tungkol kala tito at tita. Pag katapos kasi ng nangyari sa isla, hindi ko na sila masyadong nakakausap o nakikita man'lang.

"They're doing good." Anito. "Nasa france sila ngayon, may kailangan daw kasing ipagawa si dad."

"Ahh." I nod. "Paano yung kasal? Hindi naman na tuloy 'yon, diba?" Nakausap ko na si Mommy tungkol sa kasal dapat namin ni Caspian. Hindi na daw iyon kaylan' man matutuloy.

"You don't like it, right?" Ani Caspian. Tumango ako. "Then I don't like it either, they can't do anything about it."

Huminga ako ng malalim...

Gusto ko siya.

Pero ayaw ko namang umasa.

Kailangan ko munang may mapatuyan bago kaming kami... kung magiging kami 'man.

But I really like him... I guess.

Wala naman sigurong masama kung aamin ako? Crush lang naman, hindi naman ibig sabihin noon aangkinin na namin ang isa't isa.

Sa nakikita ko kay Caspian, mas mahalaga din sa kaniya ang future... ang title. And that's the meaning of hot to me.

"Caspian?" tawag ko sa kaniya ng makita kong kinuha niya ang kaniyang telepono.

"Hmm?" Iyon lamang ang tanging sagot nya.

Natigilan ako. He look so serious while he is reading something in his phone.

"G-gusto ko sanang sabihin na-" Bigla itong tumayo.

"Let's talk later, Hainna. Okay?" Hindi nito inalis ang kaniyang mata sa telepono. "This is important, I'm sorry..."

then he walked away.

Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit nahagip ng mata ko ang nangunguna sa kaniya.

Nicasian.

Nicasian is important, of course.

Torn Again (Again Series #5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon