AlagaNagising ako nang pitikin ni Tory ang noo ko. Papikit-pikit akong umupo bago ay nagkamot ng batok saka naghikab. Ang aga-aga nambubulabog!
"Anong problema?" Inaantok na tanong ko sa kaniya. Naki-upo ito sa kama ko at tumabi sa 'kin nang nakangiti. Mukhang masaya pa siyang may binulabog siyang tao.
"Mag-iisang buwan ka pa lang dito pero kuhang-kuha mo na 'yung tiwala nila ma'am."
Napahinga ako ng malalim.
Ginising niya ako para sabihin lang 'yon!?
Umamba akong hihiga muli kaso ay pinigilan niya ako. Inis akong nagkamot ng ulo at suminghap ng hangin.
"Seryoso ka ba, Tory? Mamaya mo na lang akong daldalin."
"May narinig akong sinabi ni ma'am tungkol sa 'yo." Bulong nito.
Sinabi....tungkol sa 'kin!?
Pakiramdam ko nagising ako sa sinabi niya kaya tumuwid iyong upo ko. Anong sinabi? Patatalsikin ba ako agad sa trabaho? May nagawa ba 'kong mali?
"Ha? Anong sabi?"
"Secreeeet."
"Tory naman, e!"
"O, akala ko ba mamaya na tayo magdaldalan?"
Ngumuso ako at nagpaawa. Lahat kami ay binigyan ng rest day ngayon dahil mabigat ang gawain kagabi. Martes ngayon at alam kong rumaket si nanay sa paglalaba. Balak ko silang tawagan mamaya at sabihin na uuwi ako mula rito sa Maynila.
"Gala tayo, diyan lang sa palengke, bibili ako damit. Sama ka, ha? Hintayin kita sa labas." Ngayon ko lang nakitang nakamaong na pantalon si Tory at puting damit bilang pang-itaas.
Kanina pa siguro siya may balak gising ako kaya kanina pa siya nakapaghanda. Sinunod ko lang ang sinabi ni Tory, nagsuot ako ng ilan sa mga damit na bigay ni Hazel na nadala ko rito. Nakakahiya namang lumabas nang ang suot ko ay kay hahaba.
Wala naman akong balak mag-sando kaya iyong t-shirt na lang at high-waist shorts ang sinuot ko. Hindi ko alam kung iyon ba 'yung tawag pero sabi ni Hazel bagay daw sa 'kin kaya niya binili.
"Ilang taon ka na ulit?" Tanong ni Tory nang naglalakad na kami papunta sa palengke. Madali lang itong lakarin lalo pa't hindi naman masakit sa balat ang araw.
"17." Ngiti ko. Ayos na 'yung sabihin ko, hindi niya naman ako isusumbong.
"Pineke mo rin 'yung age mo?"
Tumango ako, "Kailangan, e." Huminto kami dahil kailangan naming tumawid, laking gulat na lang namin nang may pumaradang sasakyan sa harap.
"Tory!" Boses ni Jesus 'yon. Napalingon si Tory sa sasakyan na ngayon ay nakabukas na. Iniluwa no'n ang nakangiting si Jesus. Grabe, kung ayaw ni Tory, sa 'kin na lang siya.
Biro lang, alam ko naman na gusto nila isa't isa. Asa namang magkakagusto sa 'kin si Jesus, e hindi naman ako matalino. Saka nangako rin naman akong hindi ako papatol sa mayaman, 'no!
"Anong ginagawa niyan dito?" Nahimigan ko ang pagka-irita ro'n. Natawa ako, ang ganda ni Tory mag-inarte.
"Free ride!"
"Mas gusto naming maglakad!" Sigaw pabalik ng katabi ko. Naalarma ako sa sinabi niya. Ayoko! Nakakapagod 'yon! Hinawakan ko siya sa braso para tumingin siya sa direksyon ko. Nagtaas ito ng kilay.
"Sakay na tayo, sakit na ng paa ko e." Dahilan ko.
"Hay nako, Odeng. Kung masakit paa mo, magco-commute tayo. 'Di tayo sasakay diyan! Ano ka ba?!"
YOU ARE READING
When He Bit The Dust (COMPLETED)
Teen Fiction"Kung totoong hinihilom ng oras ang bawat sugat, malalim o hindi, may dugo man o wala, bakit umiiyak pa rin ako ngayon? Bakit hindi ako makaalis sa pangyayaring dapat hindi naman binabalikan?" Life was never easy to deal with, there were so many que...