Kabanata 6

22 2 0
                                    


TruLse

"Odeng, 'yung isang kwarto sa taas linisin mo."

"‘Yung mga karton sa garahe pakilabas, Odeng."

"Gusto ni ma'am hindi na nakakasulasok sa kwarto, siguraduhin niyo, Odeng, Toreng, ha?"

Magkabilaan ang utos ngayong umaga pa lang. Hingal na hingal ako pagkagaling ko sa garahe dala ang tatlong magkakapatong na karton. Sa tabi ko ay si Tory dala ang dalawang karton. Nakita kong hirap na hirap niya itong inakyat at pumanaog na ngunit pinigilan ko siya.

"Teka, saglit! Taympers!" Singhal ko bago ibinaba ang dala ko. Mabilis na ibinaba rin ni Tory ang kaniya. Binalingan ako nito sabay punas ng parang bukas na gripo niyang pawis sa noo. Kanina pa kami akyat-panaog dahil sa biglaang pagdedesisyon ni ma'am na ipalinis iyong kwartong katabi ng kwarto ni sir Tristan.

"Ano ba raw...mga...laman nito?" Putol-putol niyang sambit sa gitna ng paghinga niya. Sabay naming sinubukang umupo sa karton ay kagulat-gulat na nakaya kami nito.

"Wow, ah. Infairness, matibay..."

"Maglilipat ba sila ma'am ng kwarto? Nag-away na naman ba sila?" Magtatatlong buwan na ako rito at ang huling pag-aaway nila ay noong isang buwan pa. At ngayon lang din nagpalinis nang ganito si ma'am, iyong tipong wala dapat na alikabok na matira.

Binuhat ni Tory ang mga karton kaya ganoon din ang ginawa ko. Sumunod ako sa kaniya sa taas hanggang sa narating namin ang kwarto. Marahas naming ibinaba iyon at nalanghap namin iyong dumi kaya napabahing din kami.

"This room is gonna be yours,"

Ma'am?

Nagulat kami pareho ni Tory nang magsalita si ma'am sa likuran namin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ma'am, himalang naintindihan ko ito agad. Kanino? Kay Tory o akin?

"Kanino ho, ma'am Lea?" Tanong ni Tory.

Tinunton ni ma'am ang paningin ko at pinakatitigan ako bago ako nginitian. Nagdulot ito ng kung anong kuryente sa katawan ko. May kakaiba akong nararamdaman.

"Yours," Muli niyang sabi. Ano? Bakit? Ayos lang na manilbihan ako at tratuhin nila na parang katulad nila pero kung ganitong pakiramdam ko ay iba na ako kila Tory, hindi ata ako makapapayag!

"H-hindi na po, ma'am..." Bumaling ako kay Tory na nakakunot ang noo. Naguguluhan din siya, alam ko. Pero ano ba talagang dahilan?

"Bakit niyo ho binibigay 'tong kwarto kay Odeng?" Mahihimigan ang pagkagulat at pagtataka rito. Malamang! Ikaw ba naman ang bigyan ng sariling kwarto ng amo mo, hindi ka magugulat?

"Can I keep my reason a secret?"

Nagugulumihanan man at tumango naman iyong isa.

Tinalikuran kami ni Tory at bumaba na siya ng walang paalam at balak ko sanang sundan siya dahil nakakailang si ma'am. Para kasing sobra...
Parang alam kong may hihilingin siya bilang kapalit...

"Wait, Odysseus."

Hinawakan ni ma'am ang palapulsuhan ko kaya napaharap ako rito. Kitang-kita sa mata ni ma'am na malungkot siya pero kung babaling ka rin sa labi nito ay nakakurba itong parang lagi siyang masaya.

"Ang gulo po, ma'am...parang unfair po sa kapwa ko kasambah—"

"This is a thank you, my way of thanking you. Salamat, hija. You don't know much you made me feel afloat." Sinsero nitong usal ngunit ako naman ay naguguluhan sa tinutukoy niya. Salamat? Para sa? Trabaho ko ang manilbihan sa kanila kaya bakit sila nagpapasalamat?

"Naguguluhan pa rin po ako..." Reklamo ko. Iniisip ko kung magtatampo ba si Tory dahil magkahiwalay na kami ngayon ng kwarto. Iyong mga sasabihin ni aling Dolores kapag nalaman niyang bago na 'yung kamang tutulugan ko tapos iyong sa kaniya ay gutay-gutay na foam pa rin.

When He Bit The Dust (COMPLETED)Where stories live. Discover now