sorry sa delayed update!
3rd Person's POV
September 14, 3015. It's been one year since Clyde is courting Kyla. Sabi nga nila pa 'hard to get' at 'pakipot' daw masyado si Kyla dahil sa gwapo daw na iyon ni Clyde, dapat sagutin niya na agad.
Kaya eto sila ngayon, nagddate.
Clyde's POV
I was really shocked when I saw her. Ang ganda ganda niya in her white dress and white sandals. Napakasimple nang suot niya pero bigla akong natulala! Nakakahiya!
"Ah-ahm..y-yung..a-alis na tayo" nauutal kong sabi dahil sa sobrang kahihiyan ko. Tumawa naman si Kyla. Tumayo nalang ako at hinawakan siya sa kamay at inilagay ko ito sa bewang ko. This is my way of making girls fall in love haha.
Dumiretso na kami sa kotse ko at pumunta na sa isang mamahaling restaurant. Dito kasi, may plano ako.
Binayaran ko ang isang banda para tumugtog doon sa venue. Tapos naginvite rin ako ng ibang friends, classmates, relatives ko at ni Kyla, family ko at ni Kyla, at mga family friends namin.
Pagpasok namin, sinabihan ko si Kyla na aakyat muna ako dahil nasa second floor yung mga sinet-up ko. Iniwan ko muna siya doon sa manager ng restaurant.
This is it.
Tatanungin ko na si Kyla na maging girlfriend ko. Andami kong ginastos na pera dahil sa lechugas na pustahan yan. Ba't ko pa nga ba to sineseryoso? Eh ano pa ba! Gagawin daw nilang misirable ang buhay ko! Hayy.. Kaya ayan eto ako, nagpapakatanga dahil sa babaeng iyon.
Kyla's POV
Ayy ano ba yan iniwan ako ni Clyde. Bakit kaya? May surprise kaya siya? Ahihihi kinikilig naman ako!
Habang nakaupo lang ako sa table for two doon, nahagilap ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Nung nakalapit na siya, si Dave pala.
"Uy! Andito ka pala" nagtatakang hinanap niya ang nagsalita at saka ngumiti ng makita ako. "Oo eh, masarap daw pagkain dito." (palusot niya lang to para di malaman yung plano ni Clyde xD) Napatango nalang ako at napangiti. Masarap pala dito? Dalian na sana ni Clyde! Gutom na gutom na ako!
Nung natauhan ako sa medyo pagiging tulala ko, nakita kong nakatayo parin si Dave sa harap ko. Nakatingin lang siya sakin pero bigla siyang umiwas ng tingin ng magka eye-to-eye contact kami.
Hihi kinilig naman ako. gwapo kaya si Dave! Mas gwapo pa nga kay Clyde eh! Shh lang!
Umupo nalang siya sa harap ko. After 10 minutes, lumapit na saamin yung manager at sumunod na kami sa taas. Kasama si Dave. Yes! Gutom na gutom na ko!
Napagod ako sa pag-akyat nung hagdan. Anlalaki ba naman ng steps at anlalayo pa sa isa't isa. Idagdag mo pang masyadong paikot yung stairs. Kaya ayun, muntik na akong matumba at napahawak ako bigla sa braso ni Dave... At may na feel akong sparks. At binuhat niya ako! Nakakahiya!
Clyde's POV
Ayan na. Okay na ang lahat.
Bale, pagkaakyat ni Kyla, naka-off muna ang lights. As in sobrang dilim. Tapos biglang magkakaspot light sa may stage, andun ako, at kakanta.
Pero nagulat ako nang makita ko na kasama ni Dave si Kyla, at buhat buhat niya pa ito. Ayos lang naman si Kyla. Medyo nainis ako sa nakita ko. Pero nawala din yun ng makita ko ang inspiration ko. Si Bianca. Napasmile ako at nilakasan ko ang loob ko. Eto na.
*Lights On*
*People Screaming*
Here we go..
"Breathe deep, Breathe Clear. Know that i'm here. Waiting"
wew. Favorite song ko ito. Walang masyadong nakakaalam nito dahil hindi ata nila naappreciate mga kanta sa 'if I stay OST' . At para sa lecheng pustahan nga, isshare ko pa ito.
"Stay strong. Stay gold. You don't have to fear. Waiting"
"I'll see you soon, i'll see you soon"
"How could a heart like yours ever love a heart like mine?"
Yeah how? Dahil ba gwapo ako? Maganda boses? Yun lang ba? Di ko gusto ang mga babaeng ganoon.
"How could I live before ? how could I have been so blind?"
"You opened up my eyes"
I saw her crying. Gulat. Happiness. Tears of joy. I can see na happy siya sa ginagawa ko. Na kinikilig siya. Na feeling niya ang swerte swerte niya.
Pero pasensya na, isa lang itong laro.
Tinapos ko na yung kanta. Pinalakpakan ako ng mga tao. Tapos lunapit na ako sakanya habang hawak hawak yung wireless na mic. May ring ako sa bulsa ko, syempre.
Hinawakan ko na yung kamay niya. Pero di pa ako lumuluhod. Hehe.
"Naaalala mo pa ba 'to?"
May big screen doon. At may video na pineplay. Yung first fime namin mag-usap.
Maraming tumawa doon. Nakisama na rin ako. Wala eh nakakatawa ang mukha ni Kyla at muntanga din naman ako dun haha.
Sorry bitin! Tapos andami pang papalit palit ng POV:/. Di pa po ako magaling na author so pls makisama kayo :)))
Next update: January 9, 2015.
