"Mayo Pov"
Nang makarating kami sa bagong bahay namin ay para itong palasyo na kahit nga nasa limang daan tao ang tumira ay hindi pa rin mapupuna psh hindi ko tuloy mas lalong maintindihan kung bakit kailangan namin lumipat at mas lalong di ko maintindihan kung bakit pati ang kulay ng mata at buhok namin ay kailangang itago.. Normal na tao lang naman kami pero bakit kailangan namin magpalipat lipat!
Sa tuwing magtatanong ako agad nilang iniiba ang usapan alam kong nagtataka din ang mga kapatid ko pero hindi sila nagsasalita psh ay yun ang nakakainis..
"Hey Mayo are you okay?" Nabalik lang ako sa wisyo ng magtanong si Mau kaya naman agad akong tumango
"I think no? Haysss hindi ka ba nagtataka kina mommy at daddy mau?"
"Ha?" Napa irap nalang ako dahil sa sagot ni mau sakin "i mean look bagong lipat nanaman tayo saka tuwing papasok tayo kailangan nating magsuot ng wig nakakaloka! Tapos yung mata natin tinatakpan ng letsheng contac lense na yan!" Sasagot na sana si Mau na biglang sumulpot si mommy molly"
"Anong pinag uusapan niyo?" Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Mau
"Ah sabi po ni Mayo kung saan daw po kami mag aaral mommy kasi diba bagong lipat tayo?" Napairap nalang ako sa hangin dahil sa kabaliwan ni Mau psh natatakot ba siyang maparusahan kami ni mommy?
"Oh?" Ngumiti muna si mommy bago ito sumagot at saka ako nilapitan "Hmm actually meron na kayong papasukan ang kaso lang" Nagtataka kaming napatingin sa kaniya ng tumigil ito sa pagsasalita
"Kaso lang po?" Ano nanaman kayang binabalak ni mommy tss
"Kaso lang kailangan niyong pigilan na hindi mapaaway okay? Ikaw Mayo alam kong basugalera ka at palaging nauuna sa away kaya sana naman this time hindi na okay?" Shit no! Hindi ako magpipigil para lang sa mga masasamang tao!
"No mommy! Sinanay niyo kaming ganito so bakit ako magpipigil? Isa pa paano kung pag hinayaan namin na apihin kami ay palagi nila kaming ibully hin---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit si mommy
"Susundin niyo ang gusto ko kung ayaw niyong maparusahan! Alam niyo naman siguro kung gaano ako kahirap magparusa hindi ba!" Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sagot ni mommy. Tama siya sobrang hirap niyang magparusa pero paano ko pipigilan ang sarili ko? Fuck!
Pagkatapos sabihin samin ni mommy yun ay agad siyang umalis dahil may pupuntahan pa daw sila ni daddy at isang buwan silang mawawala .. Sinabi din niya na si mang Ben na ang magtuturo kung saan kami magtatransfer kaya kahit hindi kami payag ay wala kaming nagawa kundi ang tumango..
"Haysss!" Naiisip ko pa lang na kailangan kong tigilan pakikipag away ko para na akong nanghihina damn hindi ako sanay ng ganito tss..
*tooot tooot*
"7pm sa lumang eskinita!", Lahat kami ay nagkatinginan ng sabay sabay tumunog ang cellphone namin kaya agad kaming nagtayuan para mag ayos
BINABASA MO ANG
"The Four Girls Has A Secret"
Teen FictionPaano kung ang inakala mong mala angel na mukha ay may sa demonyong ugali pala? Paano kung ang totoong anyo nila ay nakatago sa likod at pekeng mukha nila? Makikipag kaibigan ka pa kaya? Read this!