Chapter 3:Cafeteria

0 0 0
                                    

Nasa hallway kami ni Mavz patungong cafeteria. May kanyang cafeteria ang bawat department. Yung cafeteria namin ay nasa ground floor.

"Ano ba ang tinitingnan sa phone mo. Kanina ka pa hindi kumikibo ha" I said while not looking to her now.

"Ah...eto ba? Pictures ni Samkea na nakuha ko kanina" Hanggang ngayon si Samkea parin ang inaatupag.

"Avid fan ka na ba ng taong 'yan? Kulang nalang siguro ibigay mo na ang katawan mo sa kanya" Tumawa na lamang ako sa sinabi ko.

"Grabe ka, cyszzt! Ganito lang talaga ako pero hindi naman lahat ng nakikilala kong lalaki ay binibigyan ko ng oras"

"Anong hindi lahat?! E lahat nga ng lalaking pinagkakainteresan mo sinusuyo o di kaya ay pinag-paparazzi niyo" Kilala ka yata sa buong department na streamline. Hindi nga lang ikaw pati na rin sa organization na binuo niyo by department.

"Support ka nalang sa cyszzie mo. Huwag kang mag-alala bukas kase i-dodoble ko ang libre sa'yo. Saan mo pala gustong pumunta bukas sa Starbucks? Jollibee? McDo?" Hindi ko na mabilang ang panglilibre sa akin ng cyszzie ko. Hindi lang naman malayo ang mga sikat na food court sa school. Sakay ka lang diyan ng cab for about 15 minutes and ayan na. Makakapunta ka na sa mga food court.

Walang masyadong tao ngayon sa cafeteria. May mailan-ilan ding kaklase namin ang narito. Aside sa cafeteria ito ay may mini flower shop na din ngayon sa university dahil malapit na ang February so which means makakakita na din ulit ako na makakasira sa mga mata ko.

Hindi ako na ganun ka bitter sadyang yun lang talaga ang depinisyon ko para sa kanila.

Speaking of university, ang hirap intindihin ang pangalan ng university namin. Ewan ko ba kung bakit iyon ang napili ng founder pero it's quite unique and amazing din compare sa mga ibang university sa bansa.

Belham Aquiro University is one of the famous universities for being different. Oo. Tama ang narinig niyo. Different kase una, January ang pasok namin dito hindi kagaya sa ibang university na may June, July at August. Pangalawa, may mga sariling cafeteria, auditorium, library, gym, o ano pa diyan ang bawat department kaya expected niyo na malaking ang hectares ng university. Huli ay ang acquaintance dito ay by semester dahil hindi lahat ng estudyante dito ay permanente. Kagaya namin noon na merong 356 accounting students pero nagdaan ang dalawang semester ay unti-unti din kaming nababawasan. Ngayon ay 212 nalang kami ang natira. Minsan nadagdagan dahil may transferrees kaya ang acquaintance is a must. So as much as possible kailangan ko ng mag-aral nang mag-aral para hindi matanggal.

So umupo kami ni Mavz kung saan malayo sa mga tao. "Cyszzt, dito ka lang muna" Sabi niya sa akin. Pagkatapos niyang magpaalam sa akin ay iniwan niya na ako at umalis.

I looked on my watch and it's 3:06 in the afternoon na. Ang dali naman ng araw ngayon. Sa di kalayuan ay may natanaw akong tao na papunta sa direksyon ko. Hindi ako assuming na tao sadyang kilala ko lang talaga ang taong ito.

"Hey!" It's Cedrick Paz, my other pal from different department and he's a guy. Anong masama kung lalaki ang kaibigan ko. Hindi ito gago katulad ng ibang lalake na puro porma lang.

"Naparito ka yata. Huwag mong sasabihin na magpapasuyo ka ulit sa akin kay Mavz. Alam ko na kanina mo pa kami sinusundan sa hallway" Dinerekta ko na siya. Ganito naman ito palagi since naging kaibigan kami nung second semester sa first year kami hanggang sa nalaman ko na may crush siya sa cyszzie ko.

Cedrick Paz is a totally great guy for Mavz. Aside na matangos ilong nito, great body build yung hindi masyado ma-muscle, maputi, makinis and with a beautiful smile na masasabi ko na every girls want to have this kind of guy dahil isa din itong equestrian. Hindi nga lang sikat ang ganung laro sa Pilipinas pero due to his performance e nakakapunta din ito sa labas para magcompete. Take note, lahat ng napapalunan niya ay puro gold minsan din ay may cash kaya nakapagtayo ito na sariling bar na malapit lang din sa campus namin.

Nalaman kong may crush si Cedrick kay Mavz dahil palaging nagtatanong sa akin noon about kay Mavz nung hindi pa nila kilala yung isa't-isa. Now, na best friend na din sila ay may pagkakataon na sana siyang suyuin si Mavz pero nahihiya siya. Ewan ko ba sa lalaking to.

"Hindi no. Gusto ko sanang hingan ka ng information about sa darating na event sa department niyo. Mr. Garcia wants me to add some information about my article kaya kailangan kong puntahan yung iba pang department" He's from engineering department. Also, he is part of the organization called The Scribe. Sila yung nagsusulat about happenings sa department. Hindi by department ang organisasyon na yun kundi hinalo lahat. They chose the best students to assign that task.

"Tungkol ba sa event ngayon February?" Well, iyan lang naman ang kauna-unahang event ngayon maliban sa acquaintance. "Ano ba ang gusto mong malaman? Kung may ka date siya ngayon February" I laughed then it turns out na nagba-blush ang mga pisngi niya. Obviously naman na iyon talaga ang pinunta niya dito. Marami naman taong mapupuntahan niya kagaya sa student council ng department namin dahil mas reliable pa ang makukuha niyang information dun.

"Okay, fine. I admit na iyan talaga ang pinunta ko dito. Ano may ka date ba siya?" Naghihintay siya maging sagot ko. Last year lang naman ay maraming lalaki ang gustong ayain si Mavz na maging ka date niya but Mavz ignore them at hindi siya pumunta sa event. Ewan ko ba sa babaeng yun.

This time hindi ko alam kung pupunta talaga si Mavz. Baka maulit lang ang nangyari noon. Ayaw ko pa naman ma masaktan si Cedrick.

"I don't know" I paused for a second. " Diba alam mo naman kung anong nangyari last year. Hindi siya sumipot sa event" Ramdam ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"But if you want to be her partner then you should tell her the truth about your fellings for her. Huwag mong sayangin ang oras mo at huwag kang magpapadaig sa kaduwagan. Ikaw bahala, you will know it's too late if your heart will hurt."

"Sige. Bibigyan ko na ng panahon para sabihin sa kanya"











It's better to tell her/him your feelings before you realize it's too late. Okay lang masaktan at least sinabi mo sa kanya. Sa ganitong paraan ginawa mo ang tama para hindi ka masaktan sa huli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Lightning Strikes TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon